‘Darna’ ‘di pa sure kung ipapalit sa ‘Ang Probinsiyano’

May 19, 2022 Aster Amoyo 158 views

NAIPASA na ang bato. Abangan ang kanyang paglipad soon.

Yan ang sabi sa teaser ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Malapit na kasi ipalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TV5 ang action series under the direction of the great Chito S. Rono.

Kasama rin sa cast ng ‘Darna’ sina Iza Calzado (as the first Darna), Joshua Garcia at Janella Salvador.

Matagal na ang Darna project na ito na nung unang plinano ay si Angel Locsin dapat ang gaganap. Then it was announced na it will be given to Liza Soberano until the role was finally given to Jane.

Ito ang biggest break ni Jane dahil bida na siya and to be given the iconic role of Darna is a privileged.

Pero totoo ba na tatapusin na ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil ang Darna diumano ang papalit sa time slot ng longest-running action serye ng Kapamilya Channel?

Ayon sa isang kaibigan sa ABS-CBN na ayaw magpabanggit ng pangalan, wala pa raw sinasabi ang management kung magtatapos na action serye ni Coco Martin. Wala rin sinasabi ang management kung ‘Darna’ nga ang siyang papalit sa time slot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

KD

Paakbay-akbay at holding hands pero walang label?

ENJOY kaming panoorin ang ‘Run To Me’ pinagbibidahan nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Maganda ang chemistry ng dalawa na graduate ng PBB at sabi nga ng kanilang director na si Dwein Baltazar, natural ang chemistry. Kaya naman patok na patok ang dalawa sa maraming kilig scenes sa series.

Masaya ang celebrity press preview na dinaluhan ng buong cast sa Cinema 1 ng Santolan Town Plaza last Sunday. May mga fans din ng KDLex na dumalo sa screening na kilig na kilig sa mga eksena ng dalawang bida.

Very sweet si KD kay Alexa. May pa-holding hands pa ito at paakbay-akbay na lalong nagpakilig sa mga fans.

Kapwa ayaw bigyan ng label nina KD at Alexa ang sweetness na ipinapakita nila. Ini-enjoy lang daw nila ang kanilang pagtratrabaho together. Naturally sweet daw talaga sila sa isa’t-isa.

Nagpapasalamat din ang KDLex sa suporta ng kanilang mga fans. Iilan buwan pa lang nang sila ay ilunsad bilang tandem pero dama nila ang init ng suporta ng mga fans sa kanila.

Mapapanood ang Episode 1 ng ‘Run To Me’ via streaming starting on May 20 on Kumu and May 21 on iWantTFC!

Lapus

John tanggap na laos na siya

TANGGAP na ni John “Sweet”Lapus na “laos” na siya bilang gay comedian. Lumipas na raw ang ningning ng kanyang bituin. Kaya tinanggap na rin ni Sweet na kailangan na rin niyang magbago ng career.

“Tanggap ko na iba na ang direction ng career ko the moment I accepted na magdidirek na ako sa TV at pelikula,” sabi ni Sweet. May time limit daw ang pagiging comedian. Hindi na raw siya pwedeng lumabas na sidekick ng bidang babae dahil ang mga sikat ngayon ay mas bata sa kanya.

Ini-enjoy ni Sweet ang pagiging director niya. Siya ang napili nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na maging director ng sitcom nila sa GMA titled ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa.’

Bukod dito ay writer din siya ng sitcom na “Daddy’s Gurl” at director ng satire show na ‘Balita One Nan’ sa Cignal TV.

Tumatanggap pa rin naman siya ng acting jobs dahil mas malaki ang talent fee niya as an actor. Pero enjoy siya working as a director dahil mas nagagamit niya ang kanyang creativity.

Swerte rin siya with the people he works with dahil may tiwala ito sa kanya at tanggap ang mga input niya bilang director.

Siya ang personal choice nina Dingdong at Marian, na co-producers ng sitcom, to direct the show. And he is very grateful.

“It’s such an honor. Masaya ako na may trabaho na dumarating kahit na nasa pandemic pa rin tayo,” sabi ni Sweet. Nakatrabaho niya si Marian sa “Show Me Da Manny’ for three years pero first time niya to work with Dingdong.

AUTHOR PROFILE