Daniel

DANIEL WALA SA B-DAY PARTY NI BB

September 11, 2024 Vinia Vivar 86 views

All’s well na nga sa pagitan ng magkapatid na sina Sen. Robin Padilla at BB Gandanghari matapos ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ilang taon na ang nakalipas.

Nasa bansa ngayon si BB at dito siya nagdiwang ng kanyang ika-57th birthday.

Ibinahagi mismo ni BB at ni Mariel Padilla ang kaganapan sa birthday party ng una na ginanap sa Museo de Padilla. Nagsilbi na nga rin itong family reunion dahil base sa mga larawang nakita namin ay halos kumpleto ang Padilla family.

Sa post ni BB, pinasalamatan niya ang kapatid na si Robin at ang asawa nitong si Mariel sa ibinigay na surprise party sa kanya.

#Homecoming: a moment of love, joy and peace amongst family and friends. Thank you @robinhoodpadilla and @marieltpadilla for this wonderful welcome. I love you both!! My heart is full.

Thank you @itschapadilla for this video. #GodIsGood #FamilyTies #Bonding,” ang caption ni BB sa video ng kanyang party.

Makikita sa video na masayang-masaya ang Padilla clan sa kanilang pagkikita-kita, especially si BB, na ngayon lang umano nagkaroon ng surprise party.

“This is basically the best, the biggest party I ever had and it’s the only surprise I ever had in my life. I never thought I would ever have a surprise,” sey ni BB sa kanyang speech.

“But ‘Tol, you are the best,” sey niya kay Robin. “Mariel and Robin. Thank you very much for putting up this party.”

Bukod sa magkakapatid na Padilla at kani-kanilang pamilya, siyempre ay narooon din ang kanilang inang si Mommy Eva Carino-Padilla. Present din ang long-time friends ni BB na sina Pops Fernandez at Marjorie Barretto.

Sa isang larawan ay makikitang mahigpit na nagyakap sina BB at Robin.

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan sina BB at Robin a few years ago at nagsimula silang magkaayos a couple of years ago. Ngayon ay okay na okay na talaga ang relasyon nila.

Samantala, sa comment section ay hinanap ng netizens si Daniel Padilla sa nasabing family event.

AUTHOR PROFILE