Daniel

Daniel spotted na paikot-ikot umano sa bahay ni Kathryn

January 20, 2025 Vinia Vivar 142 views

KathrynTotoo kaya ang balitang spotted si Daniel Padilla na paikot-ikot sa bahay ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo nitong mga nakaraang linggo?

Ayon sa tsika ni Cristy Fermin sa kanyang online show, may nagparating sa kanya ng balitang ito.

“Ilang gabi na raw po nitong nakaraang linggo na nakikita ang sasakyan ni Daniel Padilla na paikot-ikot sa subdivision kung saan nakatira ang mga Bernardo… sina Kathryn,” tsika ni ’Nay Cristy.

“Ang balita pa, humahanap talaga ng tao na makapagtutulay si Daniel para sa kanila ni Kathryn,” dagdag pa niya.

Of course, pwede naman daw itanggi, kumpirmahin o dedmahin na lang nina Daniel at Kathryn ang balitang ito.

Matatandaang ibinalita rin ni Ogie Diaz last month sa kanyang vlog na pinasok ni Daniel si Kathryn sa dressing room sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum.

Sey ni Ogie, ayon sa kanyang source ay nagkausap sina Kathryn and Daniel sa dressing room at may dala pa umanong flowers ang aktor para sa ex.

HEART PAGOD NA MAGTRABAHO’T MAG-FASHION WEEK

HeartNangako si Heart Evangelista na magtitipid na sa pagsapit ng kanyang 40th birthday sa February 14.

“Hindi naman sa ‘di ako gagastos. I know how it feels na magtrabaho, kumayod talaga dahil gusto ko nito kasi I’m lucky, privileged ako na ‘di naman ako naging breadwinner in a sense sa pamilya ko,” sey ni Heart sa recent episode ng kanyang show sa GMA-7 na “Heart World.”

“Pero, ibig sabihin, lahat ng mayroon ako, lahat ng suot ko, pinagtrabahuhan ko, as in talagang pinagpuyatan ko, talagang pinilit ko ‘yan para mabili lahat ng meron ako,” dagdag niya.

Pero aminado siya na nakakapagod na ring magtrabaho lalo pa nga’t hindi na siya bumabata.

“But now as I get older, I really feel tired. Iba na talaga ‘yung dating sa ‘kin, kahit Fashion Week,” aniya.

Ikinuwento rin ni Heart na hinimatay na siya dahil sa sunod-sunod na pagdalo niya sa Fashion Week.

“Hinimatay na ‘ko sa Fashion Week kasi alam ko na nagsa-suffer na ‘yong health ko over and beyond just to get the bag, just to get the jacket.

“These ridiculous things na ginagamit ko naman sa trabaho ko but I will not use that anymore to justify,” sey ng global fashion icon.

AUTHOR PROFILE