
Daniel, ilang beses iniyakan at sinubukang makipagbalikan kay Kathryn
Ni-reveal ni Cristy Fermin kung bakit natagalan ang announcement ni Kathryn Bernardo ng breakup nila ni Daniel Padilla gayung August pa lang daw ay hiwalay na ang dalawa.
Ayon sa source ni ‘Nay Cristy, ilang buwan din kasing pabalik-balik si Daniel sa bahay nina Kathryn na umiiyak at gustong makipagbalikan.
“Meron akong source na nagkwento sa akin kung paano at bakit. Nagsabi na si Kathryn sa kanyang mga magulang tungkol sa kanila ni Daniel,” simula ni ‘Nay Cristy.
“August-September. September, si Daniel, pabalik-balik daw na umiiyak. Umiiyak, bumabalik kay Kathryn pero matigas na ang puso ni Kathryn Bernardo dahil ang dami-dami nang nakararating sa kanyang mga kwento na ang iba ay dinismis niya sa kanyang isip at puso pero ‘yung iba, pinahalagahan niya,” patuloy niya.
Bago nga ito ay hindi pa alam ng mga magulang ni Kathryn ang problema ng KathNiel.
“Napansin na lang daw ni tita Min (nanay ni Kath) at saka ng father niya na hindi halos makakain, laging malungkot, tapos nakita ng mommy na umiiyak.
“Naka-relate ‘yung ina, ‘may problema ka?’ sabi raw. Doon na bumigay si Kathryn, first time na nagsabi sa kanyang ina,” tsika pa ni ‘Nay Cristy.
Marami raw nakakarating kay Kathryn tungkol kay Andrea Brillantes at ito nga ang itinuturong isa sa mga dahilan ng hiwalayan.
Anyway, sa bandang huli ay mas pinili ni Kathryn na tapusin na ang 11-year na relasyon nila ni DJ at nagdesisyong i-anunsyo na ang breakup.