Daniel Padilla

Daniel at Kathryn handa sa bagong set-up

July 30, 2021 Aster Amoyo 501 views

IT was last December nang ihayag ng ABS-CBN na nakatakdang magtambal sa isang bagong TV series at pelikula ang magka-loveteam at longtime sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na malamang matuloy bago magtapos ang taon.

Nabalam ang kanilang movie project na “After Forever” na kukunan sana sa Amerika with box office director Cathy Garcia Molina.

Alam pareho nina Kathryn at Daniel ang bagong set-up ng tapings and shootings kaya nakahanda na rin silang dalawa sa lock-in set-up.

Samantala, excited din si Daniel sa kanyang first movie with former TV executive ng ABS-CBN, ang veteran actress-host na si Charo Santos sa pamamagitan ng drama movie na “Kun Maupay Man It Pahahon” (Whether the Weather is Fine) na dinirek ni Carlo Francisco Manatad. Ang nasabing pelikula ay tungkol sa mag-ina na ginagampanan nina Charo at Daniel sa aftermath ng super typhoon “Yolanda” sa Tacloban, ang hometown ng ina ni Daniel na si Karla Estrada. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ilahok sa iba’t ibang international film festivals abroad at kasama na rito ang ika-74th Locarno Film Festival in Switzerland at Toronto International Film Festival in September.

Pinoy concerts sa Amerika tuloy na

NAKANSELA man ang mga live concert sa Amerka featuring Filipino artists from the Philippines dahil sa Covid-19 coronavirus pandemic, unti-unti na ring nagsisibalikan ang concert scene sa U.S. This good news was relayed to us by our concert producer friend in the U.S. na si Amor Yu ng Amor Yu Productions in Los Angeles, California, USA.

Ice Seguerra

Isa sa mga na-postpone ay ang concert ni Ice Seguerra na matutuloy na sa darating na September 4, 2021 (Tuesday) at 7 p.m. na gaganapin sa San Diego, Calfornia. Ito’y susundan ng “David Pomeranz Timeless Hits” on October 30, 2021, 8 p.m. na gaganapin naman sa 5460 Casino Way, El Cajon, California, USA. Magiging special guest ng American hitmaker and performer ang US-based Filipina singer na si Jam Morales. Ang iba pang re-scheduled concerts ng iba pang Filipino artists sa America ay inaasahan ding itutuloy sa taong kasalukuyan at kasama na rito ang concert ng grand winner ng reality singing competition na “Pilipinas Got Talent” season 2 na si Marcelito Pomoy at iba pang known artists ng Pilipinas.

Rhen dalawang buwan sa Singapore para sa international movie

DUMAAN sa 14-day quarantine in Singapore ang “The Other Wife” and “Adan” star na si Rhen Escano for her shoot ng kanyang first international movie na kukunan doon. Makakatambal ni Rhen ang isang Indonesian actor na nagngangalang Trung. The movie is going to be directed by Singaporean director Sean Ng.

Ayon kay Rhen, nagkaroon umano ng audition sa Pilipinas in 2019 before the pandemic but it was only last year siya napili. Hindi agad nasimulan ang filming ng love story movie dahil sa pandemya.

Habang naka-quarantine si Rhen sa isang hotel in Singapore ay ongoing umano ang kanilang zoom meetings with the cast and the production team.

Bukod sa pelikulang “The Other Wife” na pinagsamahan nila nina Lovi Poe at Joem Bascon, ang international movie ni Rhen ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan na siyang i-pull out sa longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga director ng serye.

Dalawang buwang mananatili sa Singapore si Rhen.

Jane goodbye AP, hello Darna

MAGPAPAALAM na rin si Jane de Leon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nagsisimula na siyang mag-taping ng TV series na “Darna”.

Jane De Leon

Ang Pinoy heroine ay likha ng yumaong nobelista na si Mars Ravelo na nailathala sa Pilipino Komiks in 1950 and has been adapted into movies and TV many times over.

Originally, bagong movie adaptation ang gagawin ng Star Cinema na pagbibidahan sana ni Angel Locsin pero ito’y nag-back-out dahil sa kanyang back injury. Siya’y pinalitan kay Liza Soberano na nagkaroon naman ng finger injury na naoperahan pa sa Amerika. Third replacement was Jane de Leon. Katunayan, nakapag-shoot na sila directed by writer-director Jerold Tarog na pumalit naman kay Erik Matti. Pero iba na umano ang magiging director ng bagong Darna TV series na hindi pa inihahayag ng ABS-cBN kung sino maging ang bubuo ng cast.

The new TV adaptation ng “Darna” will commence in September this year.

Pasok si Julia sa huling bahagi ng ‘Ang Probinsyano’

HANGGANG ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan kung kelan talaga magtatapos ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na magsi-six years na sa darating na September. May mga nagsasabi na paabutin umano ito sa buwan ng Sepember pero meron ding balita na paabutin daw ito ng December this year at ipapalit ang “Darna” ni Jane de Leon habang magsisimula naman umano si Coco with another TV series na panibagong FPJ material.

Coco Martin

Tuwang-tuwa naman ang mga taga-subaybay ni Coco at ng “Ang Probinsyano” TV series dahil natupad ang kanilang wish na makapag-guest ang rumored sweetheart ng actor-director na si Julia Montes sa serye bago ito magtapos. Si Julia ang bagong leading lady ni Cardo (Coco) sa “Ang Probinsyano” ngayon malapit na ring mawala ang character na ginagampan ni Jane de Leon. Pasok si Julia sa 6th year anniversary ng “Ang Probinsyano” ngayong September.

Sina Coco at Julia ay may pelikulang ginagawa ngayon na pinamamahalaan ng Cannes’ Best Director na si Brillante Mendoza, isa sa mga paboritong director ni Coco nung nagsisimula pa lamang siya bilang indie actor.

Personal

HAPPY birthday tomorrow, August 1 kina Cesar Montano at tinaguriang Dean of Filipino entertainment writers na si Manay Ethel Ramos.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE