
Dancing queen
HINDI na kinaya ng netizens! In heat ang social media matapos mag-flex ng alindog ang sexy star na si Lai Austria sa kanyang post.
Suot ang kapiranggot na bikini, todo hataw si Lai sa ilalim ng araw, tila sinabayan ng init ng panahon ang kanyang nakakapaso at walang kupas na kaseksihan.
Sa kanyang simpleng caption na “Dance therapy,” mukhang hindi lang siya ang na-relax pati mga fans niya ay tila napa-stress. Paano ba naman, kung ganyan ang therapy, baka araw-araw na silang magpasession!
Hindi nagpahuli ang mga netizens sa comment section! Inulan ng heart at fire emojis ang naturang post.