Matteo

Dance video ni Matteo, swak sa V-Day

February 13, 2023 Ian F. Fariñas 264 views

MULING lumitaw sa socmed ang lumang dance video ni Matteo Guidicelli ng Dati Dati, ang patok na single ng misis niyang si Sarah Geronimo kaya naman kilig-kiligan ang karamihan sa netizens ngayong Valentine season.

Agree sila na husband goals ang isa sa hosts ng Tropang LOL ng Viva at TV5 dahil ayon nga sa kanya, “I think I did good” sa dance video at “Sarah’s happy.”

Speaking of Sarah and Matteo, kamakailan ay nag-post ang actor-TV host ng litrato nila ng Popstar Royalty habang nasa snow.

Aniya sa caption, “Heading up to witness the giant sequoia trees.”

Hiningan tuloy sila ng netizens ng isang travel vlog at sinabihang mag-enjoy sa kanilang adventure sa Yosemite.

Comment pa ng isang netizen, “Salamat sa inyong matibay na pag-iibigan. May you stay loving and caring couple on and off camera. God bless you always.”

AUTHOR PROFILE