Danao Personal na nagtungo si NCRPO chief, Police Major General Vicente Danao Jr.sa himpilan ng Manila Police District upang alamin ang buong pangyayari sa pulis na aksidenteng nabaril na syang ikinamatay ng isang rider sa Tondo, Manila. Makitang nag-a-assist si MPD Dir. PBGen. Leo M.Francisco. Makikita rin si PMaj. Rommel Anicete, chief ng CIS-MPD, na kasama ang suspek na si Cpl.Oliver Ferrer. Mga kuha ni JON-JON REYES

Danao personal nag-imbestiga sa kaso ng pamamaril sa rider

September 21, 2021 Francis Naguit 332 views

NCRPO chief nagtungo sa MPD

PERSONAL na nagtungo si NCRPO Chief.Police Major General Vicente Dupa Danao Jr.sa himpilan ng Manila Police District (MPD) upang alamin ang buong pangyayari sa kaso ng pulis na aksidenteng nakabaril at nakasanhi ng pagkamatay ng isang rider sa Tondo, Manila.

Isinalaysay ng suspek na si Police Corporal Oliver Ferrer na naka assign sa MPD Station 1 sa Tondo Manila ang buong pangyayari.

Napag-alaman na kaibigan ni Ferrer ang biktima na si Jason Capistrano.

Pinuri umano ni Capistrano ang baril ni Ferrer.

Binunot umano ni Ferrer ang kanyang baril upang ipakita kay Capistrano, subalit bigla na lamang itong pumotok kahit na nag-alis pa siya ng magasin.

Pinag-aaralan pa ring mabuti ang mga pangyayari mula sa CCTV ng mga MPD investigators sa pamumuno ni Police Maj. Rommel Anicete.

Pinaalalahanan din ni MPD Director Leo Francisco si Ferrer na harapin na lamang niya ang kanyang kaso upang maging patas ang imbestigasyon at mabigyan ng hustisya ang kanyang aksidenting pagkabaril sa rider.

Personal ding nagtungo si Danao sa burol ng biktima upang makiramay at magbigay ng tulong.

Nangako si Danao na agad niyang gagawan ng action ang nangyaring pamamaril.

Nauna nang ipinag-utos ni PNP Chief Police General Guillermo T. Eleazar ang masusing imbestigasyon sa naturang insidente. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE