Danao NCRPO chief PMGen Vicente D. Danao Jr.

Danao kumilos vs illegal na sugal

August 22, 2021 People's Tonight 311 views

21 nasakote

ARESTADO ang 21 katao sa malawakang operasyon laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal na tinutukan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Vicente D. Danao Jr. sa Metro Manila.

Binigyang-diin ni Danao ang kahalagahan ng pagtutok ng lahat ng operatiba ng NCRPO sa pangangalaga hindi lamang sa kaligtasan at kaayusan ng komunidad ngayong panahon ng pandemya, kundi ang pagiging alerto rin sa lahat ng uri kriminalidad at ilegal na sugal.

Sa Quezon City, walo katao ang inaresto ng pinagsanib na operatiba ng PNP Regional Intelligence Division (RID) at Regional Mobile Force Battalion (RMFB) noong Agosto 17, 2021 dakong 5:30 p.m., matapos maaktuhan sa kanilang operasyon ang mga suspek sa Mabini Street, Barangay Sta. Lucia, Novaliches sa lungsod.

Kinilala ang mga inaresto na sina Raul Barandino y Lagunsat, Rolando Monera y Barandino, John Ryan Marinas y Palbao, Jesibol Obispo y Joyno, Fermin Dagnio y Acojido, Mario Arizobal y Hermosa, Javier Cinita y Casim at Balery Peronio y Rivero na isinailalim na sa inquest proceedings.

Samantala, 13 katao naman ang nasakote dakong 7:45 ng gabi noong Agosto 21, 2021 sa Crossword St. Fourth Estate, Barangay San Antonio Parañaque City habang ginagamit umanong front ang Small Town Lottery sa operasyon ng loteng.

Ang mga suspek na inaresto ay nakilalang sina Jose Pelaez y Solijion, Adela Crisostomo y Escala, Nerlio Cacho y Sampiano, Helen Donor y Borja, Dioscoro Honorio Jr, Victor Aquino y Abisado, Reyman Encarnacion u Paumil, Elmer Cortez y Portuguez, Christopher Labrador y Garcia, Christian Suarez y Dapitan, Ruben Foo y Hagosojos, Nelson Simbulan y Rabi and Eboy Hemor y Carait, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Parañaque.

Nakumpiska ng mga operatiba ng Parañaque Sub-Station 5 sa pamumuno ni PMaj Tirso T. Pascual bilang mga ebidensiya ang P16,759 cash, 11 calculator, tatlong columnar record book, limang (5) pad na summary ng kolkesyon at STL paraphernalia.

Kaugnay nito, iniutos ni Danao na arestuhin ang sinumang indibidwal na sangkot sa operasyon ng ilegal na sugal at tiyakin ang pagsasampa ng kaukulang kaso, partikular na ang paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

Hinikayat din niya na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa kapulisan ang mga mamamayan upang masugpo ang mga ilegal na operasyon sa pamayanan.

AUTHOR PROFILE