ruruma

Dambuhalang buwaya, ‘highest paid actor’

June 8, 2021 Vinia Vivar 406 views

“Highest paid actor” kung ituring ang dambuhalang buwaya na bibida kasama ni Ruru Madrid sa upcoming adventure series ng GMA na Lolong.

Sa sobrang laki kasi ng 22-feet na buwaya na gaganap bilang si Dakila sa serye, 14 katao ang kinakailangan upang mapagalaw ang nasabing animatronic na gawa sa fiberglass body at silicone skin. Gagamit din ang production team ng pneumatic technology o ’yung air compression na remotely operated by a mechanic o technician upang maging realistic ang galaw ni Dakila na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa kuwento.

Bongga ha! Dinaig pa ’ata ang TF ni Ruru.

Pero wala naman ito sa Kapuso actor dahil napakalaking proyekto ang pagbibidahan niya.

Kahit sino sigurong artista na mapabilang sa ganito kalaking show ay magiging grateful at proud na.

Ano pa kaya si Ruru na titular role ang pagbabalik sa primetime?

Thankful din ang Kapuso actor dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataon na makagawa ng serye sa ilalim ng GMA Public Affairs.

Matatandaang bumida si Ruru sa Naku, Boss Ko at TODA One I Love na parehong pinusuan ng viewers.

Bukod kay Dakila, makakasama rin ni Ruru sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Hindi pa niri-reveal ang buong cast pero ngayon pa lang, curious na ang marami kung sinu-sino pa ang bubuo sa Lolong.

AUTHOR PROFILE