Ria atayde

Dalawang daily essential products, inilunsad ng Beautederm

June 1, 2021 People's Tonight 812 views

Ruru MadridDALAWANG bagong produkto ang hatid ng Beautéderm Corporation sa pagtatapos ng ikalawang quarter ng taon — ang La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at ang Acne Loin.

Gaya ng kasabihang “necessity is the mother of all inventions,” binuo at dinevelop ng Beautéderm ang La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at Acne Loin bilang daily essentials para sa karagdagang hygienic protection ngayong panahon ng pandemya.

Ang La Voilette ay isang all-natural product na may germ-killing properties sapagkat kaya nitong patayin ang 99.9% ng mga bacteria at viruses.

Extra special din ang La Voilette dahil mayroon itong active SymUrban ingredient, isang potent toxin neutralizer na napatunayang mas epektibo kumpara sa alcohol at sunscreen.

Sa ilang sprays lamang, pinuprotektahan ng La Voilette Anti-Pollution Hair Sanitizer, na mayroong dalawang variants – ang Sunrise Mist at Twilight Fog — ang buhol laban sa environmental pollution, nagbibigay ito ng moisture sa hair strands, prevents breakage and hair fall, at pinuprotektahan din ang buhok sa harmful effects ng direct exposure sa araw.

Perfect na partner ng La Voilette ang dalawa pang bagong Beautéderm products – ang Detangle Hair Brush at Beauté L’ Cheveux hair oil.
Ang Acne Loin naman ay kumbinasyon ng antibacterial, soothing, at anti-irritant natural ingredients na napatunayang tumutulong sa pag-reduce ng acne sa baba at iba pang bahagi ng mukha na karaniwang natatakpan ng facemask.

Mayroon ding brightening and skin lightening extracts ang Acne Loin na tumutulong i-lighten ang mga ’di kanais-nais na acne marks at spots.

Maaari ring gamitin ang Acne Loin sa paglinis at pag-freshen up ng facemasks para sa ligtas at epektibong reuse.

“Lahat tayo ay kailangang maging extra careful lalo na ngayon na ang layunin nating lahat ay ma-flatten ang curve para sa kaligtasan nating lahat,” sabi ng Beautéderm president and CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

“With all that is happening now, especially with the pandemic, sanitizing everything that we touch a must — when we go out to run errands, we shower right away as we get home to wash away all the bacteria that stick to body. Kailangan nating i-sanitize ang ating mga kamay at pati na rin ang ating mga buhok at ang mga masks na sinusuot natin araw-araw.”

AUTHOR PROFILE