Default Thumbnail

Dalagita nalunod sa Tarlac river

September 10, 2023 Bernard Galang 257 views

ISANG 15-anyos na babaeng estudyante ang nalunod habang naliligo sa ilog sa Tarlac.

Kinilala ang biktima na si Joyce Ann Garcia, Grade 8, residente ng Sitio Gumain, Bgy. Lourdes, Bamban, Tarlac.

Ayon sa kapatid na babae ng biktima sa pulis na pumunta sila sa ilog para maligo pero hindi na makaahon ang kanyang kapatid kaya humingi sila ng tulong.

Rumesponde ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at mga ng kagawad ng barangay at nakuha ang biktima ngunit idineklara itong patay sa Ospital ng Capas.

AUTHOR PROFILE