Default Thumbnail

Dalagita nagsoli ng module, natagpuang bangkay

April 28, 2021 People's Tonight 247 views

ISANG dalagita na nagpaalam sa kanyang ina na magsosoli ng module ang natagpuang patay na may saksak sa tiyan sa Davao City.

Ayon sa ABS-CBN News report, ang bangkay ng biktima ay natagpuan malapit sa isang kanal Martes ng umaga sa Purok Taurus, Tambongon-Bucana Road, Bgy Lasang.

Sinabi sa report na ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay nagpaalam sa kanyang ina na magsosoli ito ng module noong Lunes.

Ang biktima ay dumalo pa umano sa isang birthday party bandang 8 p.m. kung saan inabutan ito ng malakas na ulan.

Dahil dito, nag-chat pa umano ang dalagita na huwag ikandado ang pinto dahil uuwi pa ito, ayon sa news report.

Ang dalagita ay umalis umano ng birthday party bandang 11 p.m.

Hindi na nakauwi ang dalagita hanggang makita ang kanyang bangkay malapit sa kanal Martes ng umaga.

Ayon sa TV news report, isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima at iimbestigahan ng pulisya ang insidente. Tonight monitor

AUTHOR PROFILE