Dalaga nalapnos katawan sa asido

December 5, 2021 Francis Naguit 47 views

NAHAHARAP sa kasong frustrated murder through burning ang isang 40-anyos na negosyanteng Chinese national makaraang sabuyan umano ng asido ang isang 28- anyos na dalaga sa Ermita, Manila, iniulat ng pulisya.

Kapwa isinugod sa Manila Doctor’s Hospital ang negosyanteng Tsino na nagtamo ng lapnos sa mukha at sa braso , habang si Robie May Garcia, 28 , dalaga at residente ng Victoria Ville , San Miguel , Taguig City, ay nagtamo ng lapnos sa buong katawan.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Dionelle Brannon, Manila Police District – Station 5 commander, ang insidente ay naganap bandang 10 a.m. nitong Disyembre 3 sa Unit 26 IJK Tower 3 sa Robinson’s Place sa Adriatico St., Ermita.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagpapatrulya lulan ng Mobile car sina P/ SSg. Mark Lord Madrilejos at P/ SSg. Robert Dela Rosa sa kahabaan ng Adriatico St., nang makatanggap sila ng tawag mula sa desk officer na si P/ SSg Arnel Paragas, ng MPD – Station 5 , para rumesponde sa condominium kung saan naganap ang insidente.

Dahil dito , agad na nagtungo sa Unit 26 ng condo sina P/SSg. Mark Lord Madrilejos at si P/ SSg . Robert Dela Rosa, kapwa nakatalaga sa PCP, sakop ng Station 5 at nakita nila ang dalawa sa bathroom.

Ang negosyanteng Tsino ay natagpuan sa bathtub na walang pang-itaas na damit at may lapnos sa mukha at braso. Ang dalaga ay walang saplot sa katawan at nakatayo na may mga paso sa buong katawan

Isang Mc Klein Cacaos, 30, binata, ng Brgy.Sto.Niño Lumban , Laguna ang naging saksi sa insidente.

Humingi pa ng saklolo ang dalaga sa isang Ma. Victoria Catigan.

Agad na kumuha ng tuwalya si Catigan at ibinalabal nito sa dalaga.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nag-agawan sa bote na naglalaman ng asido ang dalawa.

 

Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE