Dahil sa mataas na demand, mabilis na aksyon, bakuna sa Taguig kukulangin

June 14, 2021 People's Tonight 188 views

MUKHANG malapit nang maubos na ang supply ng bakuna sa Taguig City dahil sa pagdagsa ng bilang ng mga nagpapa bakuna sa lungsod.

Sa dami ng nagpapabakuna sa lungsod at sa mabilis na aksyon ng lokal na pamahalaan sa pag rollout ng bakuna, halos mauubos na at kukulangin ang suplay sa Taguig.

Nais na atang talakayin ng lungsod sa national government ang supply ng mga bakuna upang mas maraming tao ang makinabang kagaya na lamang ng mga priority na A1 o mga frontliners, A2 o mga seniors, A3 o ang mga may comorbidity at panibagong bukas na A4 o yung mga essential workers o manggagawa sa lungsod.

Ang mataas na demand ay dulot na rin ng madali at mabilis na proseso sa pag-rehistro at pagkuha ng appointment upang mapabakunahan ang mga nais mabakunahan.

Dahil sa dami ng nagpapabakuna, at halos wala o mababang numero ng mga tumatanggi, inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Taguig na makamit ang target na mabakunahan ang lahat ng residente sa darating ng Disyembre, kaugnay ito sa programang “road to zero.”

Nitong nakaraang tatlong araw, nakapagtala ang lungsod ng 8,000, 10,000 at 11,00 na indibdiwal ang dumagsa at nabakunahan sa mga vaccination hub na nakapwesto sa iba’t-ibang barangay sa lungsod, kasama na rito ang vaccination bus kung saan pinupuntahan nito ang iba’t-ibang lugar sa syudad upang mabigyan ng bakuna ang mas maraming mamamayan.

Halos zero ang dropout rate sa mga vaccination booking at schedule ang Taguig. Plano pa sa lungsod na itaas mula 6,800 na target kada araw na katao at gawing 8,000 katao kada araw ang babakunahan.

Dahil sa pagbubukas ng pagbabakuna sa A4 category, dumarami ang indibidwal na gustong mabakunahan. Sa mga lugar naman na may mga pila, humihingi ang lungsod ng paumanhin dahil may mga residente na hindi iniinda ang pumila mabakunahan lamang sila.

Ginagawan na rin ng paraan ng lokal na pamahalaan na mabawasan ang haba ng pila sa ibang vaccination hubs sa lungsod.

Patuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga mall sa Taguig kung saan mas komportable, ligtas at organisado ang mga tao.

Binigyan din ng pagkilala ng Taguig ang mga health worker at doktor na nagbibigay serbisyo sa mamamayan upang labanan ang COVID-19.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng bakuna ang lungsod sa 143,512 Taguigeños na kabilang sa kategoryang A1, A2, A3, at A4.

AUTHOR PROFILE