Dagul

Dagul, pinaiyak ni Benjie

April 4, 2022 Jun Nardo 155 views

NAKAKAIYAK ang sitwasyon ng buhay ngayon ng komedyanteng little person na si Dagul.

Ipinalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kalagayan ngayon ni Dagul na nu’ng kasikatan ay kabilang sa GMA sitcom na Kool Ka Lang.

Pero sa cast ng sitcom, tanging ang komedyanteng si Benjie Paras ang nilalapitan niya.

Present din si Benjie sa segment ni Dagul na naiyak sa presence ni Benjie.

Hirap na ring lumakad si Dagul na kailangan nang buhatin at may wheel chair.

Handa man siyang umarte muli, hindi na rin daw siya puwedeng tumakbo-takbo o makpagkulitan gaya dati.

Bilang tulong kay Dagul ng KMJS, nagbigay siya ng goods na maititinda sa kanyang sari-sari store at financial assistance sa mga kailangan.

Please help, Dagul, lalo na ‘yung mga nakasama niya dati sa TV at sa movies.

BAHAY-BAHAY ANG IKOT

NAGBAHAY-BAHAY ang ilang celebrities, sa pangunguna nina Angel Locsin at Marjorie Barretto, nu’ng Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa para kay VP Leni Robredo.

Mula sa pagbisita ni Gel sa Marawi City, house to house rin ang ginawa niya sa pagbisita sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.

Sa barangays sa Quezon City naman nagbahay-bahay si Marjorie kasama si Aika Robredo.

Ang PieDu (Cherry Pie at Edu Manzano) “loveteam” ay sa isang palengke sa QC tumungo.

Sa Tagbilaran, Bohol naman umikot si Agot Isidro habang si Pinky Amador ay nasa Dumaguete City kasama ang hipag ng VP na si Dr. Josephine Robredo-Bundoc ng Oplan Angat Buhay.

Trabaho, kalusugan at edukasyon ang focus ng plataporma ni VP Leni.

AUTHOR PROFILE