Philhealth

Dagdag singil sa PhilHealth contribution pinag-aaralan

February 23, 2024 Chona Yu 79 views

PINAG-AARALAN pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang dagdagan ang singil sa kontribusyon sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance System (PhilHealth) sa bansa.

Paglilinaw ito ng Presidential Communications Office sa pahayag ng PhilHealth na pinaboran ni Pangulong Marcos ang pagpapatupad ng contribution hike.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, nais ni Pangulong Marcos na matiyak na mas malaki ang epekto ng premium hike sa benepisyo at coverage ng mga miyebro nito.

“The review is still ongoing. The President wants to ensure that any increase in premium will substantially be much more in value in terms of benefits and coverage to PhilHealth members,” pahayag ni Garafil.

Una nang inirekomenda ni Health Secretary Ted Herbosa na suspendihin ang dagdag singil sa kontribusyon dahil sapat pa naman ang pondo ng PhilHealth.

AUTHOR PROFILE