Larawan: Sassa Dagdag/IG
DAGDAG sarap
KUNG sa boses ay pasabog, ngayon ay alindog ang pinakita ni Sassa Dagdag, finalist ng The Voice Kids Season 2.
Agaw-eksena ang singer sa kanyang Instagram matapos mag-post ng larawan na nagpakitang hindi lang siya pang-stage, kundi pang-akit din!
Suot ang body-hugging outfit na bumagay sa kanyang makinis at morenang balat, parang isang matamis na strawberry si Sassa na handang kainin ng tingin.
Bumuhos naman ang iba’t ibang reaksyon ng netizens. “Ganda ng wife ko.” komento ng isang fan. Isa pang follower ang nagsabi, Latina yung kurba!”
Sey ni Sassa sa naturang post, “Long time no selfie.”