Dagdag public transport hiniling ng LCSP
MARIING umapela ang commuter at transport groups sa Department of Transportation (DOTr) magpatupad ng basic rule, more public transportation hanggang nasa kasagsagan pa tayo ng pandemic.
Ito ang apela ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP), para sa kaligtasan ng libo-libong commuters sumasakay sa mga public transportation araw-araw.
Nilinaw naman ni Inton na ang LCSP ay kaisa ng gobyerno at nag encourage sa ating mga kababayan na dapat tayong lahat ay magpa-vaccine para sa kaligtasan ng lahat.
“Mas maraming public transporatation, mas maraming masasakyan, mas mabilis na mobility mas ma-oobserve ang public distancing walang magsisiksikan walang mag uunahan, walang mag aagawan mas maliit ang chances na ma spread out ang virus kung meron man mas madaling malaman dahil maluwag ang mga sasakyan,” ani Inton.
Ayon kay Inton, biglang magsusulputan ang mga colorum kapag walang masakyan ang mgakababayan natin mas lalong malalagay sa peligro ang mga pasahero.
Hindi sagot na alisan ng prangkisa ang mga mahuhuling public transportation kapag magsakay ng hindi vaccinated, saad ni Inton.
“Hindi guarantee kapag may vaccine card at hindi magkakaawaan ng virus,” saad ni Inton.
Isa pa ang mga enforcers at mga driver ay hindi naman expert o bihasa kung paano malalaman kung sino ang hindi vaccinated, saad ni Inton.
“Huwag naman pong mag impose ng so much policy at penalties, serbiyo, at impatiya, pagtutulungan na lahat ang kailangan ng lahat lalo nat´nasa kasagsagan pa rin tayo ng pandemic,” saad ni Inton.
Kaya kami sa LCSP mas maraming public transportation mas maganda para sa lahat lalo na sa mga pasahero, dagdag ni Inton.