
DAGDAG PONDO SA DMW HIRIT NG OFW PARTYLIST!
NANAWAGAN si Overseas Filipino Workers (OFW) Partylist Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino sa mga kasamahan sa Kongreso na higit pang pataasin ang kasalukuyang budget ng Department of Migrant Workers (DMW), sa halip na pababain.
Sa isang pahayag, sinabi ni Magsino na ang budget ng DMW para sa taong 2023 ay P4.56 billion. Bumaba umano ito ng 20 porsiyento matapos gawing P3.56 billion na lamang ang budget nito sa susunod na taon.
“The budget cut is unfortunate because it could result to less services and programs for our Overseas Filipino Workers (OFWs), especially at this point that DMW is about to end the transition period and establish its regular operations. I appeal to my colleagues in Congress to increase DMW’s budget to a level even bigger than its current budget,” anang kongresista.
Noong February 2023, panawagan ang OFW Partylist sa mga member-agencies ng Development Budget Coordinating Council (DBCC) na gawing prayoridad ang pondo ng pamahalaan na may kinalaman sa programs ng OFWs sa pamamagitan ng
DMW.
Ipinaliwanag ni Magsino sa Committee on Appropriations meeting ang kahalagahan ng OFW remittances sa ating pambansang ekonomya.
Noong 2022, ang OFWs ay nakapag-remit sa gobyerno ng USD 36.136 Billion. Ang perang napapakinabangan ng pamahalaan mula sa mga OFW ay nagamit din ng husto noong kasagsagan ng pandemya.
“Nakakalungkot lang na sa pagliit ng budget ng DMW, malilimitahan din ang programa ng DMW para sa ating mga OFWs. Kung sino pa ang malaki ang kontribusyon sa ating ekonomiya, sila pa itong kukulangin sa kalinga at proteksyon ng pamahalaan,” sabi pa ni
Magsino.
Binigyang-diin ng mambabatas ang kahalagahan ng DMW upang labanan ang talamak na problema sa illegal recruitment at human trafficking.
“I would like to strongly recommend to the Department to be more aggressive, and to put more resources whenever possible, in the execution of these functions in the campaign against illegal recruitment and human trafficking. It is the most important service and protection that we can extend to our OFWs with respect to their right to life and liberty,” sabi pa niya.
Si Magsino, lone representative sa Kamara para sa sektor ng OFW sector, ay nagbigay suhestiyon din upang magkaroon na ng database para sa OFW ang DMW na tutukoy hindi lamang sa kanilang pagkatao, ahensiyang kanilang pinapasukan at maging ang kanilang mga specialized skills.
Dapat ay magkaroon din aniya ng implementasyon para naman sa referral system sa mga returnee-OFWs, base sa kanilang karanasan at kakayahan.
“Assistance in creating value networks for OFWs is equally important and can prove to be beneficial in the long-run. A database and referral system that matches OFW returnees with investors and businesses based on their specific expertise could greatly streamline job placements and benefit both parties. Para rin patuloy ang kanilang pagtatrabaho at hindi mahirapan ang ating mga OFWs sa kanilang paghahanap ng pagkakakitaan pagbalik dito sa Pinas,” sabi pa ni Magsino.