Default Thumbnail

Dagdag jeepneys, balik sa 8 p.m.-4 a.m. curfew hiniling

April 5, 2021 Jun I. Legaspi 438 views

MARIING nanawagan ang commuter at transport groups na dagdagan ang mga public transportation at ibalik sa dating 8 p.m.-4 a.m. ang curfew.

Ito ang panawagan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa kapakinabangan ng lahat at upang hindi rin mapabayaan ang healthy protocols.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, kita naman ng lahat na talagang kulang na kulang pa rin ang public transportation lalo na ang jeepney na masasakyan ng mga ordinary workers.

Dagdag ni Inton gipit sa oras ang mga ordinary workers na umaasa lamang sa public transportation sa ilalim ng 6 p.m.-5 a.m. curfew.

Tama lang yung dating 8 p.m.-4 a.m. na curfew kaya mungkahi natin sa Inter-Agency Task Force ito uli ang ipatupad dahil ito rin ang kahilingan ng majority lalo na ng mga ordinary workers na sumasakay araw-araw ng mga public transportation, saad ni Inton.

Sa hiwalay na interview, inayunan ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) ang mungkahi ng LCSP na magdagdag pa ng mga jeepneys at ibalik sa dating oras ang curfew.

Sa naranasan ng majority na mga ordinary workers kahit pa may mga travel pass pa wala rin masakyan dahil kulang ang nangyayari naiipon at nag-aagawan sa pagsakay dahil lahat gusto makauwi agad, saad ng PCMA.

AUTHOR PROFILE