Poe

Dagdag benepisyo isinulong

February 21, 2024 PS Jun M. Sarmiento 238 views

UMAPELA ang mga senador sa dagdag allowance at mga benepisyo para sa ordinaryong mangagawa kung saan ay hiniling nila ito upang makahabol ang ordinaryong Pilipino sa nagtataasang ibat ibang bilihin sa kasalukuyan.

Ayon kay Sen. Grace Poe, tiyak na makatutulong sa mga wage earners ang karagdagan na ito kung saan ay nasa ikatlo at huling pagbasa na ang P100 wage hike bill.

“I urge employers with the means to provide supplementary allowances or benefits to extend this assistance to their employees,” ani Poe bilang co-author ng nasabing panukala.

“I am sure the businesses that truly care about their workers would find a way to make necessary adjustments,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Poe ang huling legislated national wage hike sa Pilipinas ay naisakatuparan 35 years na ang nakararaan.

Nuong 1989, ang Wage Rationalization Act ay nag utos ng ₱25 hike mula sa national minimum wage na ₱64.

“Bagama’t may significant na pagtaas na ang minimum wage simula noon. Hirap maramdaman ito ng ating mga kababayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Para sa karamihan, kahit anong sipag at diskarte ay talagang di pa rin sapat,” ” paliwanag ni Poe

Inihayag ng IBON foundation sa kanilang January 2024 report ang ang pamilya may 5 miyembro sa Metro Manila ay kailangan ng pang gastos na hindi dapat bumaba sa ₱1,193 kada araw o papatak ng ₱25,946 kada buwan upang magkaroon ng isang disenteng pamumuhay.

“However, the existing minimum wage in the region is still pegged at ₱610 – o kalahati lamang ng wage standard. Ano bang mabibili natin sa ₱610? Considering the food threshold, a family of five will need around ₱300 daily to meet the minimum basic food needs,” ani Poe.

“In the end, the labor sector is the backbone of our economy. Pagtulung-tulungan nating mabigyan ang ating mga manggagawa ng disenteng buhay ang kanilang pamilya,” giit nito.

Inayunan din ito ni Senadora Risa Hontiveros na nagsabing sobrang hapit at gipit na ang maraming Pilipino na mangagawa na hindi nakatitikim ng maayos na pagkain sa hapag kainan bunga ng sobrang pagtitipid sa napakaraming gastusin.

Sinabi ni Hontiveros na napapanahon na aniya upang bigyan ng garantiya ng goberno ang mga mangagawa partikular ang mga empleyado na under contractual agreements, sub-contractual agreements, o manpower agencies ng sapat na kita sa pamamagitan ng minimum wage pati na rin ang mga empleyado sa mga pribado sector na sasampa sa karagdagan P100.

“Sinigurado nating hindi maiiwan sa umento sa sahod ang construction workers, security guards, utilities, waiters, at iba pang manggagawa sa service sector, na kadalasan ay contractual o sub contractual. Ito ay paraan para maipamalas natin ang equal treatment at fair labor practices para sa lahat ng manggagawa, ano pa man ang kanyang employment status,” ani Hontiveros.

Kamakailang lamang ay ipinasa na ng Senado ang Senate Bill No. 2534, o tinatawag na “P100 Daily Minimum Wage Increase Act of 2023,” na nagbibigay mandato para sa karagdagan na P100 daily wage hike sa lahat ng pribadong sektor gayundin sa mga agricultural at non-agricultural sectors sa pamumuno ng Committee on Labor chairperson ni Sen. Jose Jinggoy Estrada.

“Ako po ay masaya at madaling maipapasa ang P100 wage increase para sa mga manggagawa. Ito ay malaking tulong sa pang-araw araw na pakikibaka nila para mabuhay sa halagang minimum wage. Umaasa akong mabilis din itong maisasabatas para agad naapakinabangan ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Hontiveros.