Nieto

Dagdag allowance sa PWDs sa Maynila malapit na

September 23, 2023 Edd Reyes 291 views

MALAPIT nang makatanggap ng dagdag na P500 allowance kada buwan ang mga menor-de-edad na persons with disabilities (PWDs) mula sa lokal na pamahalaan Mang ynila.

Ito ang ipinahayag ni Vice Mayor at Presiding Officer ng Sangguniang Panlungsod, John Marvin “Yul Servo” Nieto, makaraang maipasa ng mayorya ng Konseho sa ikatlo at huling pagbasa ang Ordinance No. 8534 na inihain ni 3rd District Councilor Pamela “Fa” Fugoso.

“The ordinance will give an additional budget for minor PWDs to lessen the burden to their families. This P500 monthly monetary allowance will make these children happier.

And the listing and verification will fall under the supervision of the Manila Department of Social Welfare Office,” sabi ni Fugoso.

Gayunman, makakatanggap lamang ng buwanang allowance ang mga menor-de-edad na PWDs kung makakapasa sila sa mga pamantayan na ito: a. Tanging ang mga may edad na 59 pababa na may kapansanan ang kuwalipikado sa P500 buwanang allowance; b. Kailangang maging rehistradong botante ng Maynila, bagama’t kung ang PWD na hindi nakapag-rehistro bilang botante dulot ng kanyang kapansanan o wala pa sa hustong edad, ang kanilang mga magulang o guardian ay dapat naka-rehistro bilang botante sa Lungsod ng Maynila; c. Kinakailangn din na residente sa lungsod ng Maynila simula ng anim na buwan pataas; d. Dapat kabilang sa masterlist ng Manila Department of Social Welfare Office.

Unang naipasa ang City Ordinance 8565 na magbibigay ng allowance sa mga kuwalipikadong residente ng Maynila noong Hulyo 22, 2019.

Inamiyendahan ito ng City Ordinance 8765 noong Hunyo 14, 2021. Pareshong naipasa ang naturang mga ordinansa ng 11th City Council.

AUTHOR PROFILE