NCRPO Tinitingnan ni NCRPO chief Police Major General Sidney Hernia ang seguridad sa mga sementeryo sa Maynila noong Biyernes. Kuha ni JonJon Reyes

Dadalaw sa sementaryo sa Maynila aabot ng 1M

November 1, 2024 Jonjon Reyes 130 views

INAASAHANG aabot sa 1 milyon ang mga dadalaw sa mga puntod sa Manila South at North Cemetery dahil may limit ang oras ng pagdalaw ng hanggang alas-7:00 ng gabi noong Biyernes.

Ayon sa pahayag ng MNC, bandang alas-12:00 ng tanghali umabot na mahigit 700,000 ang dumadalaw sa nasabing sementeryo.

Nakahanda ang Manila Police District sa pagdagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo, ayon sa report.

Nakaantabay ang mga non government organizations (NGOs) para sa mga libreng sakay, pagseserbisyo sa mga senior citizens, PWDs at mga buntis kung ihahatid sa mga patutunguhan nila.

Natuwa at pinuri ni National Capital Region Police Office chief Police Major General Sidney Hernia sa maayos na sitwasyon sa loob at labas ng mga sementeryo.

AUTHOR PROFILE