
DA ready na mag import ng Hass avocado galing Thailand
HANDA na ang Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng Hass avocado at mga processed meat sa Thailand kung sakaling magbigay ng go-signal ang kanilang pamahalaan, ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Napag-alaman ito nang dumalaw kamakailan ang delegasyon ng Pilipinas sa Thailand kung saan napag-usapan ang mga bilateral trade opportunity at potential Thai investment sa Philippine agriculture sector.
“We hope this recent visit will lead to greater trade between Manila and Bangkok, as well as more Thai investments in the Philippine agricultural sector.
Thailand, a major rice exporter, offers many lessons in agricultural efficiency and food product exports to Europe,” ani Tiu Laurel.
Napag-usapan din sa pagbisita ang mga best practices, technique at sistema ng pagsasaka sa Thailand at ang kanilang product development at agricultural chain management.
“The DA team also visited several Thai agricultural projects to observe sustainable farming practices and foster knowledge exchange.
At the Cassava Collaborative Farm in Wang Muang, Saraburi, the delegation examined the Bio-Circular-Green Economy model, which emphasizes resource maximization, sustainable practices and technological innovation.
A collaborative committee at the farm ensures product quality through strict management practices,” ayon kay Laurel.
Sa pakikipagpulong sa mga executive mula sa Thai food at agri-industrial giant Charoen Pokphand Foods PLC (CPF), sinabi kay Tiu Laurel ang potensyal ng Pilipinas na maging isang food hub.
Ibinunyag pa ng mga CPF executive ang kanilang plano na magtayo ng isang food processing facility at distribution network sa Pilipinas sa loob ng tatlong taon.
Binisita din ng DA delegation ang Nong Chok factory ng CPF kung saan nagpoproseso ng may 70,000 metriko tonelada ng mga food product kabilang ang fillet, ready meals, ham at sausage na ini-export sa Europa.
Sa kanyang pagbisita sa Ministry of Agriculture and Cooperatives, nagpahayag din ng kahandaan si Tiu Laurel sa kanyang Thai counterpart na si Minister Narumon Pinyosinwat na bukas ang Pilipinas mag-source ng maraming bigas, gulay, manok at baboy mula sa Thailand.
Bilang tugon, ipinahayag ni Minister Narumon ang interes ng bansa na mag-export ng longan at poultry meat sa Pilipinas.
Binisita din ng DA team ang ilang Thai agricultural projects upang obserbahan ang mga sustainable farming practices ng naturang bansa at makakuha at makapagbigay din ng kaalaman.