Default Thumbnail

DA at BOC-POS, magtutulungan!

May 31, 2023 Vic Reyes 147 views

Vic ReyesNAGING makabuluhan ang pagpupulong kamakailan ng mga taga-Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-POS) at Department of Agriculture (DA) upang higit na pagtibayin ang kanilang pagtutulungan.

Pinangunahan ni District Collector Carmelita “Mimel” S. Manahan-Talusan ang mga opisyal ng POS, samantalang si Asst. Secretary James A. Layug ang nanguna sa mga taga-DA.

Sa nasabing pulong, na ginanap sa Port of Subic sa Zambales, ay tinalakay ang “urgent updates on the importation of agricultural products,” ayon sa isang pahayag ng BOC.

Pinag-usapan rin ang mga regulatory compliance measure at information sharing mechanism.

Aminado sina Talusan, dating BOC-Port of NAIA District Collector, at Layug na napakahalaga ang pagtutulungan ng dalawang government agencies na ito, lalo na sa pag-streamline ng processes, pag-address sa challenges at pag-foster ng partnership at joint initiatives.

“By aligning their efforts…the BOC-POS and the DA-Inspectorate and Enforcement aim to enhance efficiency, vigilance and ensure the smooth flow of goods,” ayon sa BOC.

Huwag natin kalimutan na may marching order si Pangulong Marcos, na siyang umaaktong DA secretary, na patigilin ang iligal na pagpasok ng mga produktong agrikultura sa bansa.

Sa guidance ni Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio ay nananatiling determinado ang Port of Subic na paigtingin ang kanilang anti-smuggling at border control operations.

Keep on punching, Ma’am Mimel, kayang-kaya mong i-address ang iba’t ibang challenges sa bago mong “area of responsibility diyan sa Port of Subic.”

****

Sa pamamagitan ng kanilang “eagle-eyed” operatives ay tuloy-tuloy ang ginagawang “anti-smuggling operations” ng Bureau of Customs (BOC) sa buong bansa.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na parehong taga-Ilocos Norte.

Noon ngang nakaraang Biyernes, Mayo 26, ay kinumpiska ng mga ahente ng BOC at Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pinaghihinalaang puslit na produkto sa Plaridel, Bulacan.

Ang mga pinaghihinalaang kontrabando, na nagkakahalaga ng mahigit P900 milyon, ay nakita ng mga taga-BOC at PCG sa mga warehouse sa nasabing bayan sa Bulacan.

Ang anti-smuggling operation ay isinagawa ng Manila International Container Port (MICP), Intelligence Group (IG) at Enforcement Group (EG), in collaboration with PCG.

Ito ay coordinated din sa barangay at Philippine National Police, na isinagawa sa bisa ng isang Letter of Authority (LOA) na inilabas ni Commissioner Rubio.

Sa inspeksyon na ginawa ng mga operatiba ay nakita sa premises ng mga warehouse ang mga sigarilyo, general merchandise, kitchenware at counterfeit goods.

Binigyan ng mga otoridad ang mga may-ari ng mga bodega ng 15 days para ipakita ang mga legal document, kasama na ang importation permits at proof of payment of duties at taxes.

Kaya pansamantalang kinandaduhan at sinelyohan ng mga ahente ang mga bodega.

Isa na namang good job, Comm Bien Rubio.

***

Isang milyong skilled Filipino workers ang iha-hire daw ng Kingrdom of Saudi Arabia (KSA) sa susunod na dalawang taon.

Ito’y magandang balita sa ating mga manggagawa na nagpapakamatay para lang makapagtrabaho sa labas ng bansa upang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kani-kanilang pamilya.

Hindi na kasi kaya ng ordinaryong empleyado dito sa atin na tutustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya pati na ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahil sa baba ng sahod ng isang manggagawa sa Pilipinas.

Kung matutuloy ang pag-hire ng Saudi Arabia ng mga manggagawang Pinoy, dapat siguraduhin ng gobyerno na hindi magpi-piyesta ang mga illegal recruiter.

Baka marami na namang mabiktima ang mga illegal recruiter na ito dahil sa dami ng gustong magtrabaho sa labas ng bansa dahil sa nararanasang kahirapan.

Dapat ibigay sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang karapatang tumanggap ng mga job applicant para masiguro na hindi makapgsantala ang mga illegal recruiter.

May mga private placement agencies kasi ang involved din sa illegal recruitment.

Huwag na natin bigyan ng pagkakataon ang mga illegal recruiter na makapang-biktima ng mga kanabayan nating hirap na sa buhay.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)

AUTHOR PROFILE