Enchong

Cyber libel vs Enchong a stern warning?

November 16, 2021 Joey Aquino 165 views

MUKHANG ‘di uobra ang apology ng Kapamilya actor na si Enchong Dee sa isang party list representative.

Matatandaan na binatikos ng aktor ang diumano’y extravagant wedding ni Representative Claudine Bautista ng Driver United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER). Ikinasal si Bautista kay businessman Jose French Lim noong Pebrero sa Balesin. Isa si Bautista sa mga kongresista na bumoto sa pag-shutdown sa ABS-CBN.

Kinuwestiyon pa ni Enchong sa kanyang post kung may vaccination drive na raw bang ginawa si Bautista para sa mga driver at commuter. According to the party list representative, the actor insinuated that she “used public coffers to fund (her) wedding.” Bautista added that “the posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official.” Dahilan para sampahan niya ng cyberlibel case with P1 billion worth of damages ang aktor.

Sa totoo lang, matagal at ma-proseso ang ganitong kaso. Dahil ako mismo naranasan ko na rin masampahan ng libel case, na tumagal rin ng walong taon. Kaya hindi ito pwedeng isantabi ng aktor.

“I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgment,” reads his Twitter post. But his apology seems to fall on deaf ears. Enchong has been vocal on his political views, being a critic to the Duterte administration. And he’s known as a staunch supporter of Presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

Bukod kay Enchong, ilan din sa mga artistang bumatikos noon kay Bautista ay sina Agot Isidro at Pokwang. Kaya tanong ng ilang netizens, bakit daw tahimik at hindi nila ipinagtatanggol ang aktor ngayon? Marahil marami na sa mga artista ang nagiisip-isip ngayon na maghinay-hinay na sa pagpu-post ng kanilang political views. Lalo na’t umiinit na ang pulitika dahil sa nalalapit na national elections.

Samantala, bakit si Enchong lang ang sinampahan ng cyber libel? May kaugnayan ba ito sa pagiging solid supporter niya kay VP Leni? Just asking…

Disclaimer:

Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE