Luis

Cute baby nina Luis at Jessy ipinakita na

January 30, 2023 Aster Amoyo 519 views

Luis1Luis2Luis3Luis4HININTAY muna ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na mag-one month old ang kanilang firstborn na si Isabella Rose bago ipinakita sa publiko.

And it is worth the wait dahil napaka-cute ng kauna-unahang apo ng Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos-Recto at ex-husband nitong si Edu Manzano.

Since baby girl ang unang apo ni Vi, tiyak na ipa-pamper niya ito.

Sa ngayon ay tutok ang mag-asawa sa pagiging hands-on parents sa kanilang unang baby.

Since pahinga muna si Vi sa kanyang political career, she has all the time in the world to spend more time with her unica apo na matagal niyang inasam.

Jim at Boboy itinuturing na guardian angel si Danny

APOAPO1APO2WALA nang ibang singing group na mas tumagal pa kesa APO Hiking Society na binubuo dati nina Jim Paredes, Boboy Garovillo at ang yumaong si Danny Javie. Tumagal sila ng 54 years.

Buhay pa noon si Danny nang ma-disband ang grupo dahil na rin sa kagustuhan nilang tatlo to focus on their respective solo careers. Nag-migrate sa Australia si Jim with his family, pinasok ni Boboy ang pagiging actor habang si Danny naman sa kanyang mga negosyo. But every once in a while ay pinagbibigyan nila ang kahilingan ng kanilang mga kaibigan for a reunion concert or show. They stopped performing as a group in 2010 and their farewell concert was held at the Music Museum.

When Danny passed on in October 31, 2022, the two other members Jim and Boboy were both devastated not only because hindi na kumpleto ang APO as they lost not only a friend but a brother as well, sa kabila ng kanilang magkakaibang ugali.

Walang kamatayan ang musika ng APO na kanilang sinimulan nung mga estudyante pa sila sa Ateneo de Manila University nung 1970s. Hindi pa rin talaga mawala ang mga request ng mga tao na mag-show or concert pa rin sina Jim at Boboy laluna sa mga private parties na kanila namang pinagbibigyan.

Pabalik-balik ng Pilipinas at Australia si Jim who admits nanami-miss pa rin niya ang mag-perform.

Sa darating na February 14, araw ng mga puso ay magtatanghal ang dalawang natitirang APO na sina Jim at Boboy sa pamamagitan ng “All Heart” Valentine concert sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC), ika-8:30 ng gabi.

Since dalawang boses na lang sila, nag-desisyon sina Jim at Boboy na kumuha ng back-up singers or vocals para naroon pa rin ang makapal na tunog ng APO .

Aminado sina Jim at Boboy that APO is never the same without Danny na may kakaibang boses and who did most of the lead singing whenever they held shows and concerts.

The two remaining APOs have to make adjustments sa kanilang pagkanta sa mga classic hit songs ng trio.

Ang nalalapit na Valentine concert nina Jim and Boboy ay magsisilbi ring tribute kay Danny.

“We have have a guardian angel in heaven,” pahayag ni Boboy.

Ang pakiramdam nina Jim at Boboy ay kasama pa rin nila si Danny whenever they perform..

Karelasyon ni Karla tanggap na ng mga anak

KarlaKarla1MARAMI ang nanghinayang nang iwan ng singer-actress-host na si Karla Estrada ang kanyang hosting job sa “Magandang Buhay” kung saan niya nakasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. She was replaced by Asia’s Songbird Regine Velasquez na agad nagkaroon ng chemistry sa dalawang original hosts.

Iniwan ni Karla ang kanyang hosting job nang mag-desisyon itong pumasok sa pulitika bilang miyembro ng isang partylist with Rep. Yedda Romualdez as first nominee.

Although marami na ring mga taga-showbiz ang pumasok sa pulitika, most people think na mas bagay sa showbiz si Karla who herself is also an entrepreneur.

Karla hails from Tacloban City kung saan na rin ito nakapag-invest ng maraming properties.

The singer-actress-turned politician is now in a long relationship with her non-showbiz boyfriend na tanggap ng kanyang pamilya at apat na anak, kabilang ang Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE