Default Thumbnail

CTG member isinuko baril, bala sa BMFC

May 1, 2023 Jojo C. Magsombol 280 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Boluntaryong isinuko ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang isang baril at mga bala sa mga opisyal ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company (BMFC) sa Barangay Bilaran, Nasugbu, Batangas Sabado ng tanghali.

Ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Pedro D. Soliba ng mga opisyal ng Balayan police ang CTG ay nakilalang si alias “Fernan” ay personal na nagtungo sa himpilan ng 2nd BMFC sa bayan ng Nasugbu bandang alas 11:15 ng tanghali noong Abril 29 at isinurender ang kanyang baril na kalibre .38 na walang serial number na karagado ng anim na bala.

Ayon sa mga otoridad, napag-alaman nila na ang nasabing CTG ay miyembo ng Haligi ng Batangueñong Anak Dagat (HABAGAT) na nakatalaga sa Lian, sakop ng Batangas Chapter.

Ang mga isinurender na baril at mga bala ay nasa pamamamahala na ng PMFC para sa kaukulang dukumentasyon bago ipadala sa kinauukulang otoridad.

AUTHOR PROFILE