Marco Larawan mula sa IG/@gumabaomarco

Cristine, Marco nagtukaan sa IG

October 7, 2023 People's Tonight 240 views

PINAKILIG ng magkasintahang Marco Gumabao at Cristine Reyes ang mga netizens sa kanilang sweet moment sa isang resort.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Oktubre 6 ang isang larawan kasama ang girlfriend niyang si Cristine kung saan naka-pose ang dalawa na tila ba naghahalikan.

“Let’s find some beautiful place to get lost together,” pahayag ni Marco sa caption ng kanyang post.

Nagbigay komento naman si Cristine sa picture nilang dalawa ni Marco.

“Chummy chammy,” sey ng aktres.

Pinusuan ng mga netizens maging ilang celebrities ang sweet moment ng dalawa sa resort.

“Pakiusap, kayo na hanggang sa dulo sobrang fan nyo po ako palagi akong kinikilig sa inyong dalawa bagay na bagay kayo.”

“Ehe nasa bata ang poreber hehe chz.”

“Why so kilig ako dito. Happy sobrang happy ako.”

“Still hoping may new project kayo both yung di na kayo maghihiwalay ha forever.”

“Sa relasyon na lang talaga ng iba kinikilig haha.”

AUTHOR PROFILE