Empoy

Cristine, goodbye na sa pagpapaseksi

August 18, 2023 Jun Nardo 170 views

NO more sexy movies para kay Cristine Reyes.

“Wala namang masyadong nanonood sa mga sinehan ngayon. At feeling ko graduate na ako diyan.

“Hayaan na lang natin ‘yan sa mas bata sa akin, hahaha!” bulalas ni Cristine na ang komedyanteng si Empoy ang kapareha sa Viva comedy na Kidnap for Romance.

Siyempre, tinanong sa mediacon ng movie kung may kissing scene sila ni Empoy.

Parang teenager ang sagot ni Empoy na, “Abangan na lang ninyo!”

Basta bagong putahe ang Empoy-Cristine romance sa Kidnap for Romance na inaasahang magpapabalik sa box-office crown ni Empoy na una niyang nakamit sa pelikulang Kita Kita nila ni Alessandra de Rossi.

AUTHOR PROFILE