Cristine at Marco “unexpected” ang pagkakaroon ng relasyon
“Unexpected” ang term na ginamit ni Marco Gumabao tungkol sa relasyon nila ni Cristine Reyes.
Paano raw kasi, nang magkatrabaho sila for the first time noong 2015 sa “Tubig at Langis” ay ‘ate’ pa ang tawag niya rito.
“But of course, I’ve always had a crush on her before na,” kwento ni Marco sa panayam nila ni Cristine kay Karen Davila.
Eventually, nag-asawa si Cristine, nahiwalay at na-annul ang kasal bago dumating ang pandemic.
Noong time ng pandemic ay naging magkapitbahay sila ni Marco at doon sila nagsimulang maging close dahil araw-araw silang nagwo-workout together.
“Lagi kaming nasa BGC, working out together. Tapos may isa pang tume-third wheel sa amin, si Jake Cuenca,” natatawang kwento ni Marco.
Unexpected ang lahat dahil nagsimula sila bilang magkaibigan hanging out and working out together.
“Pero hindi naman namin alam na ‘yung feelings namin ang mawo-work out,” natatawa pang sabi ng aktor.
Ayon naman kay Cristine, after her separation, nagkaroon siya ng apprehension na pumasok muli sa isang relasyon.
“I think, I had some apprehensions because I got burnt already, so, I feel like right now, masyado akong ‘yung very cautious,” ani Cristine.
Inayunan din niya na unexpected ang pagkakaroon nila ng relasyon dahil wala talaga sa hinagap niya that time na magkaka-develop-an sila ni Marco.
Singit naman ng aktor, “I think na I’m also in the stage right now in my life na I can also accept the responsibility. Siguro, if you asked me two or three yrs ago, masasabi ko sa ‘yong hindi talaga.
“But going into this relationship, of course, I knew what I was getting myself into and sabi ko, ‘what’s wrong with that?’ Wala namang problema do’n, ‘di ba? And so far, so good.”
Next month nga raw ay magse-celebrate na sila ng kanilang second year of being together at para kina Marco at Cristine, they’ve found “the one.”