Default Thumbnail

Crime suspect dedo sa shootout sa QC

November 13, 2022 Melnie Ragasa-limena 407 views

DEAD on the spot ang 21-anyos na binata na wanted sa kasong attempted homicide sa Bulacan, nang makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation sa Brgy. Payatas, Quezon City, ayon sa ulat kahapon (Linggo).

Ang suspek ay nakilalang si Ramil Gruta Villegas, 21, alias Ramboy, karpintero, binata, at residente ng No. 2650, Pinagkaisa St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa naantalang report ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 9:45 ng gabi noong November 11, nang maganap ang insidente sa Block 7 Poinsettia St., Brgy. Payatas, sa lungsod.

Batay sa imbestigayon ni PCpl Isaias De Pedro II, nagsasagawa umano ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng PS-13 sa lugar, nang bigla na lamang silang paputukan ng baril ng suspek.

Dahil dito ay agad namang gumanti nang pamamaril ang mga nagulantan na pulis at bagamat tinamaan ang suspek sa kaliwang tagiliran ay nagawa pa nitong tumakas nang parahin ang paparating na tricycle na minamaneho ni Alimar Pantao.

Nang makitang duguan ang sakay ay dinala ng tricycle driver ang suspek sa QCGH pero binawian din ito ng buhay bandang 5:45 ng umaga ngayong Nobyembre 13, ayon kay Dr. Tetsuro Jake Hayase.

KInalaunan, nalaman ng mga awtoridad na may warrant of arrest ang napatay na suspek sa kasong attempted homicide na inalabas ni Judge Ryan Philipp Liao Bartolome ng Branch 1, Municipal Trial Court Branch 1 ng San Jose Del Monte, Bulacan.