BBM

Creative industries hinimok palaganapin mga disenyo ng PH sa buong mundo

February 23, 2024 Chona Yu 72 views

KINILALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malaking ambag ng local creative industries sa ekonomiya at paglikha ng mga trabaho.

Kaya naman sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Art X Design sa National Museum, hinimok ng Pangulo ang mga nasa industriya ng pagdidisenyo na palagapin pa sa buong mundo ang mga likhang Filipino.

Payo ni Pangulong Marcos sa mga ito, magsama-sama at makipag-tie up sa local at international design communities.

Makatutulong anya ito para mas mapalakas ang global competitiveness ng mga produkto ng Pilipinas at magpapalawak sa kalakalan ng mga ito.

Nangako naman si Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan ng administrasyon ang Design and Creative Industries.

Napag-alamang nakalikha ang industriya ng aabot sa higit 700,000 trabaho o katumbas ng 2% sa total employment ng bansa. \

Nakapagtala rin ito ng halos tatlong trilyong pisong kita at kontribusyong higit isang trilyong piso sa ekonomiya ng Pilipinas

“So, I call on all stakeholders, agencies, and partners in the Philippine creative industries to come together to strengthen our design community and to cultivate collaborations with both local and international allies,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kasama ni Pangulong Marcos na dumalo sa okasyon si First Lady Liza Marcos.

“These initiatives aim to amplify the economic and cultural significance of the creative sector, empowering Filipino designers to flourish, further hone their craft, and to shine internationally,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE