COVID meds at antigen test kits

COVID meds at antigen test kits presyong ginto na???!!!

January 16, 2022 People's Tonight 196 views

HINDI ko sure kung ano o may ahensya ba na nagre-regulate ngayong ng presyuhan ng mga gamot at COVID antigen testing kits sa bansa pero kailangan na kumilos ng gobyerno dahil sinasamantala na ng ilang negosyante ang presyo ng mga ito.

Isang halimbawa nito ay itong antigen test kits na dati-rati’y nasa P5,000 to P5,500 ang presyo ng bawat kahon na may laman na 15 to 20 testing kits.

Aba’y ngayon daw ay nasa P10,000 na o higit pa ang bawat kahon??? Ito yung mga antigen na nabibili sa mga maliliit na botika dyan sa Binondo, Maynila.

Umaaray ang ilang pamilya na kailangang-kailangan ng antigen test kits ngayon dahil sa sobrag mahal na nito at mas mahal pa sa RT-PCR testing.

Ang tanong, sino o anong ahensya ba ang nagbabantay sa mga presyuhan ng mga gamot at testing kits na mga ito?

Pero wait, kung akala nyo sobra na ang mahal ng mga antigen, e paano na lang ang presyo nitong Tocilizumab na gamot sa may malalang covid virus?

Ayon sa isang kaibigan na bumili ng Tocilizumab kamakailan para sa kanilang ina na hindi na halos makahinga dahil sa epekto ng COVID, P100,000 ang presyo ng bawat vial na kailangan threee times a day i-administer daw hanggang sa makahinga na ng sarili ang pasyente.

No wonder maraming namamatay talaga sa COVID. Maaring hindi sa virus kundi sa atake sa puso o depresyon dahil sa sobrang mahal ng mga gamot at walang perang pambili ng nasabing gamot.

Panahon na rin siguro pagtuunan ng pansin ng pamahalaan na maglagay ng isang ahensya tulad ng Inter-Agency Task Force (IATF), Food and Drug Administration (FDA), Department of Health o Department of Trade and Industry para maprotektahan ang mga tao sa panloloko ng ilang negosyante ngayong pandemya.

Dapat hindi lang ang pagsugpo sa COVID ang bantayan ng pamahalaan kundi pati ang mga lunas at gamit laban dito na makakayang bilhin o bayaran ng ordinaryong pilipino.

In demand kasi ang mga ito lalo na itong antigen test na kung maaari lang ay bibilhin ng bawat pamilya para malaman kung may isa o lahat sila sa bahay ay tinamaan na ng covid.

Pero paano ma-a—afford kung presyong ginto sa merkado ang mga ito?

Dapat ay affordable ang mga ito para makapag-isolate agad ang mga tao na nagpa-positive sa antigen.

Dapat ito rin ang pagtuunan ng pansin ng IATF at DOH…ang affordable COVID
medicines at antigen, pati na rin RT-PCR testing dahil sigurado na mahaba-haba pang panahon na mananatili ang covid sa mundong ito.

Mag-ingat po tayong lahat dahil patuloy ang pagsirit ng covid dito sa ating bayan.

Gus Villanueva– – – – – –

Ang aking taos pusong pakikiramay sa mga kaanak mahal sa buhay, at mga kaibigan ni Sir Gus Villanueva na pumanaw na kamakailan.

Si Gus, o mas kilala sa tawag na “Boss Gus” ng kanyang mga tauhan at ng mga batang manunulat ay editor-in-chief ng Philippine Journalists Inc.

Nag-umpisa ang kanyang karera bilang sportswriter sa isang pahayagan noong dekada singkwenta.

Kilala at mahal si “Boss Gus”ng mga mamamahayag dahil matulungin siya sa mga kasamahan lalong lalo na sa mga nangangailangan.

Paalam Sir Gus at salamat po sa lahat.

 

By Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE