MPD

Covid health protocols sundin, ugaliin – MPD

July 26, 2022 Jonjon Reyes 367 views

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa kanyang mga tauhan na maging “mabuting halimbawa” sa pagsunod sa mga patakaran ukol sa pag-iingat laban sa COVID-19.

Ito ang naging pahayag ni MPD Director Police Brigadier Gen. Leo “Paco” Francisco sa gitna ng pagtaas pa rin ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Binigyang-diin ng MPD director na ang taumbayan ay hindi susunod sa mga hakbang ng pamahalaan kung mismong ang mga tagapagpatupad ay hindi tumatalima sa kautusan at pag-iingat laban sa patuloy na lumalaganap na virus.

Dagdag pa nito, dapat din tumulong ang pulisya sa pagpapaalala sa publiko sa patuloy na pag-iingat kasama na ang tamang pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD), umakyat sa 152 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Nagbigay naman ng pag-uulat ang mga station commanders na sina P/Lt. Col. Gene Haring Licud, commander ng MPD Station 1; P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll ng MPD Stn. 2; P/Lt. Col. Jonathan Villamor, MPD Stn. 3; P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., MPD Stn. 6; P/Lt. Col. Salvador Tangdol, MPD Stn. 9; P/Lt. Col. Magno Gallora, MPD Stn. 11; P/Lt. Col. Rodel Borbe, MPD Stn. 13; at P/Lt. Col. Ramon Nazario ng MPD Stn.14 na wala naman sa kani-kanilang mga tauhan ang nagpositibo sa Covid dahil sa kanilang araw-araw na pag-eehersisyo at pagsunod sa tamang health protocol kontra COVID-19.

AUTHOR PROFILE