Dizon UNVEILING–Pinangunahan nina MPD Press Corp. President Edd Gumban (ikatlo mula kaliwa), MPD Director PBGen. Andre Dizon (ikatlo sa kanan), PBGen. Rolando Mirnada, former MPD Chief, NPC President Lydia Bueno, Wu Qing Quan at Vincent Chan, MPD Adviser, ang unveiling ng Covid marker sa MPD headquarters sa U.N Ave., Ermita, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

COVID-19 marker binuksan sa MPD

September 26, 2023 Jonjon Reyes 355 views

BINUKSAN ang Covid-19 pandemic marker ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) sa pamumuno ni Edd Gumban, photographer ng Philippine Star, sa MPD headquarters sa UN Avenue, Ermita Maynila noong Lunes.

Dumalo sa unveiling ang mga miyembro ng MPD Press Corps na sina Vice President Jonas Sulit ng Abante, Secretary Gina Mape ng (DWWW), Jon-Jon Reyes ng People’s Journal-Tonight, Crismon Heramis ng Remate, Richard Reyes ng PDI, Miguel De Guzman ng Philippine Star, Mike Alquinto ng Manila Times, Norman Araga ng Manila Standard, Mores Heramis ng ABS CBN, Jocelyn Domenden ng Remate Online at Justine Punsalang ng TV5.

Pinasalamatan ni MPD Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon ang mga opisyal at miyembro ng MPD Press Corp sa tulong at serbisyo nila sa pagpapalaganap ng tamang pagbabalita.

Ayon sa heneral, batid ng bawat miyembro ng MPD Press Corp ang panganib na mahawaan ng nakakamatay na sakit pero patuloy pa rin sila sa kanilang trabaho.

Ayon kay National Press Club (NPC) President Lydia Bueno, magsisilbing paalala ang marker sa naging dedikasyon ng bawat miyembro ng media na gawin ang kanilang trabaho anuman ang nagaganap sa bansa.

Nagpa-abot ng pasasalamat sina ACT-CIS Representative Erwin Tulfo, ex-Manila Mayor Francisco Isko Moreno, ex-MPD director PBGen. Rolando Miranda, ex-MPD District Director PBGen. Leo Francisco, Undersecretary Paul Gutierrez at NPC President Lydia Bueno.

AUTHOR PROFILE