Couch baby
TILA nag-iimbita na makatabi sa paghiga ang bumulugang curvaceous body ng isa sa pinaka bagong bombshell ng Vivamax na si Mariane Saint.
Sinalubong ng kanyang sumisirit na kaseksihan ang netizens nang mag-post ang newest sexy actress ng mga pasabog na larawan sa kanyang Instagram page.
Dilat na dilat ang mga kelot sa kaseksihan ng hot actress. Buhay na buhay hindi lang ang kanilang diwa, maging ang mga nakakumot nilang libido ay tumayo sa alindog ni Mariane.
Ready nang kumagot ang mga barako sa kanya kasabay ng pagkagat ng dilim.
Liwanag sa dilim ang kakinisan ng kanyang balat suot-suot ang two-piece lingerie.
Ang mga kalahi ni Adan ay hindi hahayaang maging mapag-isa ang mga tulad niyang Eba. Game silang samahan siya sa paghiga, pagtulog, at kahit na sa pagpupuyat.
May pasarap factor ang sex appeal na inihahain ni Mariane sa post. Tiyak na aabangan ng dumadami pa niyang male fans ang kayang ipakita ng hot actress na tulad niya.
Nito nga lang Agosto ay naitampok muli si Mariane sa Vivamax original film na “Package Deal” sa direksyon ni Carby Salvador. Doon ay nakasama niya ang iba pang bituin tulad nina Angelica Hart at Mark Anthony Fernandez.
Samantala, ang high-rated Vivamax original fim na “Top 1” ang acting debut ni Mariane sa nasabing subscription based, video on-demand app na inilabas nitong July.
Sa comment section nga ng nasabing post ay pinuri si Mariane dahil sa husay ng kanyang performance sa mga nasabing pelikula.
Sey ng netizens, more Vivamax films para kay Mariane.