
Cotton candy bikini
INIHAMBING sa cotton candy ng netizens ang sexy actress na si Sunshine Guimary.
Bukod kasi sa kulay ng kanyang bikini sa isang Instagram post nito, ‘sing tamis din ng cotton candy ang ngiti ng mga barako dahil nasaksihan na naman nila ang sweet-licious na patakam ni Sunshine sa social media.
Ilang larawan ang ibinahagi ng hot actress kung saan makikita siyang seksing-seksi sa suot na pink two-piece string bikini.
Palaban ang mestiza beauty ng bombshell. Walang kasing kinis ang glowing niyang balat sa camera.
Napa-wow din ang sangkalalakihan sa perpektong kurba ng katawan ni Sunshine. Tila in heat sila sa hotness overload niyang wangkata.
Kabogera rin ang juicy hips ni Sunshine, hindi na nakapagtataka na paboritong i-zoom ng kanyang male fans ang kanyang korte sa camera.
Hindi magkandaugaga ang kanyang followers sa kanyang post. Walang pag-aalangan ang pag-double tap ng netizens sa kanyang mga larawan para ito’y pusuan.
Nakilala si Sunshine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kaka (2021), Shoot shoot! Di ko siya titigilan! (2021), at House Tour (2021).