inton

‘Corruption issue dapat walang halong pulitika’

July 2, 2021 Jun I. Legaspi 446 views

ANG CORRUPTION issue wala dapat halong politics dahil taongbayan ang inagrabyado ng mga tiwali, ayon sa isang commuter at transport advocate.

Sa isang interview sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection LCSP, na mahusay ang observation ni Senate President Tito Sotto tungkol sa corruption issue na binanggit ni Sen. Manny Paquiao.

“Bakit ba sila nagagalit kay Manny pag sinasabi niyang may korapsyon sa government? Bakit wala ba?”

Ito ang pahayag ni Sen. Tito Sotto na tila nagtaka sa mga galit na inani ni Manny sa sinabi niyang talamak ang korapsyon sa pamahalaan.

“Galit ba sila dahil ‘walang korapsyon’ o dahil may ambisyong mag-presidente ang Pambansang Kamao at makakalaban ng kandidato nila,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton naging issue ang corruptio, sa lahat ng eleksyong nagdaan.

“Lahat ng kandidato sinasabi nila na laban sila sa korapsyon pero pag nanalo na sila hindi pa rin nawawala at magiging issue pa rin sa susunod na eleksyon,” aniya.

Ayon pa kay Inton, inaasahan ng marami na sa huling taon ng termino ng pangulo ay maimbestigahan at kasuhan ang mga tiwali sa pamahalaan — nasa administration man o wala.

“At sa mga dapat imbestigahan bigyan prayoridad ang ilan na nagpahirap sa taongbayan. Ano nangyari sa usaping plaka at MVIS? Hindi usaping pulitika ito dahil sino man ang sinusuportahan mong pangulo ay apektado ka sa mga issue na ito. Kung walang mangyayari asahan mo na sa mga susunod na halalan issue pa rin ng mga kandidato ang katiwalian na walang hanggan,” saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE