Coronation night ng Miss U Philippines muling naurong

August 3, 2021 Aster Amoyo 307 views

SA ikalawang pagkakataon, muling na-postpone indefinitely ang coronation night ng 2021 Miss World Philippines dahil sa bagong lockdown na ipatutupad ng pamahalaan simula ngayong Biyernes, August 6 hanggang August 20, 2021.

Originally, the coronation night was set on July 25, 2021 but this was postponed to August 8, 2021. Pero bago pa man dumating ang naturang petsa ay nagpalabas ng announcement ang Miss World Philippine Organization na muli itong mauurong indefinitely dahil sa pagpapatupad ng bagong lockdown sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga lugar ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 coronavirus sa bansa.

Narito ang official statement na ipinalabas ng Miss World Philippines Organization:

“In compliance with the government and IATF’s new mandate for stricter ECQ restrictions in the NCR from August 6-20 duet to the alarming upsurge in Covid-19 cases caused by the Delta variant, the Miss World Philippines Organization has decided to postpone its coronation night indefinitely, until further notice.”

Dahil sa muling pagkaka-antala ng coronation night ng Miss World Philippines, the body has chosen one of the candidates, Dindi Pajares to represent the Phippines in Miss Supranational sa ibang bansa kaya 44 na lamang ang natitirang official candidates ng 2021 Miss World Philippines at anim na titles na lamang ang naghihintay sa mga mananalo.

One hundred beauty candidates ang pasok sa 2021 Miss Universe Philippines na ang coronation night ay gaganapin on September 25, 2021. Pero dahil sa pandemya, maiiba ang elimination process. Out of the 100 delegates, this will be trimmed down to 75 then to 50. Ang Top 50 ay siyang haharap in person interview in Manila at dito na sasalain ang Top 30. Ang Top 30 na lamang ang magku-compete at haharap sa mga hurado at publiko at kung saan pipiliin ang mananalo ng titulo at korona.

Kisses may pag-asang manalo

SAMANTALA, si Kirsten Danielle Delavin na mas kilala as Kisses Delavin (22) ang nakakuha ng highest votes sa isinagawang Headshot Challenge ng Miss Universe Philippines Organization na pinamumunuan ng national director, ang 2011 Miss Universe 3rd runner up na si Shamcey Supsup-Lee. Bukod kay Kisses, pasok din ang ilang beauty contest repeaters tulad nina Katrina Jayve Dimaranan, 2018 Miss Supranational 1st runner up, Leren Bautista, Miss Globe 2019 2nd runner up, Steffi Aberasturi, Miss Cebu 2018 . Pasok din ang TikTok personality na si Ayn Bernos at Asia’s Next Top Model winner na si Maureen Wroblewitz among others.

Si Kisses ay nakilala ng publiko nang ito’y maging bahagi ng reality show na “Pinoy Big Brother: Lucky 7” in 2016 where she placed second.

Nung November 2019, umalis siya ng Star Magic at lumipat sa APT Entertainment at Triple A Talent Management at naging visible siya sa mga programa ng GMA.

Even at a young age of 3 ay mahilig na si Kisses sa pagsali sa beauty contest.

In 2013, siya ang tinanghal na Miss Teen Masbate na sinundan nung 2016 nang siya ang manalong Miss Masbate at Miss Maogma. On the same year, isa siya sa pumasok sa PBB.

Si Kisses ay nag-aaral ng Bachelor of Arts in Business Administration sa De la Salle University.

Ano ang kanyang chance na masungkit ang korona ng Miss Universe Philippines? Malalaman ‘yan sa coronation night on September 25.

Piolo balik-ABS-CBN

MASAYANG-masaya ang fans ng actor-producer and celebrity endorser na si Piolo Pascual na ito’y mananatiling Kapamilya matapos itong mapanood sa isang AVP na ipinalabas sa “ASAP Natin `To” nung July 11 sa first anniversary ng ABS-CBN shutdown.

Kasalukuyan pa ring nasa Amerika ang Kamilya heartthrob na kamakailan lamang ay muling nakipag-usap sa ilang executives ng ABS-CBN for a possible new project.

Si Piolo ay huling napanood sa isang TV series, ang “Since I Found You” in 2018 na pinagtambalan nila ni Arci Munoz. Kabilang din si Piolo sa longest-running musical variety show na “ASAP Natin `To” bago siya lumipat sa “Sunday Noontime Live” produced ng Brightlight Productions ni Albee Benitez. Ito’y dinirek ng dating “ASAP Natin `To” director na si Johnny Manahan. Ang nasabing programa ay tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan mula October 2020 hanggang January 2021.

Since tatay-tatayan nina Piolo at Maja Salvador si Mr. M (Johnny Manahan) dati sa Star Magic, napapayag silang sumama sa “Sunday Noontime Live”.

Although it took sometime for Piolo to finally decide sa kanyang muling pagbabalik sa bakuran ng ABS-CBN, si Maja naman ay nagtayo ng sarili niyang talent management company, ang Crown Artists Talent Management sa tulong ng kanyang boyfriend na si Rambo Nunez at ina nitong si Marilen Nunez. The latter and actor John Lloyd Cruz had a meeting recently with ABS-CBN president and CEO na si Carlo Katigbak pero walang information na lumabas kung ano ang kanilang pinag-usapan.

John Lloyd is said to be signing up with GMA kung saan ito nakatakdang gumawa ng isang weekly sitcom with Andrea Torres. May posibilidad ding makagawa ito ng pelikula under GMA Pictures with Bea Alonzo na lumagda na ng kontrata sa Kapuso network last July 1.

Back to Piolo, marami pa rin ang umaasa na sana’y makabalik ito sa “ASAP Natin `To” kung saan isa siya dati kabilang for the longest time.

But one thing is sure, muli itong gagawa ng isang TV series sa Kapamilya network. There is also a big possibility na mag-contribute ng content ang actor-producer sa ABS-CBN being a producer himself.

Nirerespeto naman ni Piolo ang naging desisyon ni Bea at ibang dating Kapamilya talents na lumipat sa GMA.

Alexa graduates as dean’s lister

TIYAK na very proud ang parents ni Alexa Ilacad na sina Guy Ilacad at Dina Madarang na ito’y nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ng marketing degree bilang dean’s lister sa Treston International College’s School of Business and Technology sa kabila ng kanyang busy schedule in showbiz bilang singer-actress.

Hindi hinayaan ni Alexa na mapabayaan ang kanyang studies sa gitna ng kanyang showbiz career.

Ngayong tapos na siya sa kanyang studies, she can concentrate on her singing and acting career and maybe put up her own business someday.

Si Alexa ay pamangkin ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad and Viva’s top gun na si Boss Vic del Rosario.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalk with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE