
Cookie ni Rhian
PASABOG ang bagong post ng aktres na si Rhian Ramos matapos niyang ibahagi ang ilang litrato habang nagba-bake ng cookies.
Sa kanyang sexy outfit na bumagay sa kanyang fierce aura, tila hindi lang cookies ang natunaw kundi pati puso ng netizens. Sa bawat kuha, ramdam ang alluring presence ni Rhian habang effortlessly hot siyang nagpo-pose sa kitchen.
May caption na, “5 years ago, my obsession for the perfect chocolate chip cookie began. For the first time ever, I’ve decided to make them available to the public,” agad na umapaw ang curiosity ng fans, at hindi lang sa cookies kundi pati na rin sa kanyang jaw-dropping photos!
“Ah ganito pala dapat mag bake! 😂 Seriously, your cookies are,” ani Iza Calzado na fangirling kay Rhian. May isa pang nagbiro, “Yung hirap na hirap ka na ma achieve ang perfect cookie perfect body pa kaya. Haaaays! Justice pls!” Umani rin ng libu-libong likes at comments ang post na mabilis naging talk of the town.