
Cookie ni Rhian, bahagi ng Bakery Fair 2025
INILUNSAD na ang Bakery Fair 2025 na pinakamalaki at pinakamatamis na bakery event.
Magaganap ang Bakery Fair mula March 6 hanggang 8 sa World Trade Center at sa tatlong araw, eh, iba’t ibang events ang magaganap mula umaga hanggang 6 p.m.
Sa Day 1, March 6, si Rhian Ramos ang magpapasiklab sa How to Bake Frozen Bas Bake Cookies. Remember, nagpayanig si Rhian ng kaalaman niya sa baking hanggang sa ma-perfect niya ito, huh!
Waiting na lang ang namamahala sa Bakery Fair sa stars na puwedeng maging bahagi ng event gaya ni Ai-Ai de las Alas.
Of course, may iba pang activities na mangyayaru gaya ng paggawa ng wedding cake na may kaukulang cash prize sa mananalo.
Ang Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) ay pinamumuan ni Christopher Ah and of course, bahagi rin ng asosasyon ang mahal ng showbiz na si Wilson Lee Flores.
Maging bahagi ng Bakery Fair 2025.