Contractor laglag sa P170K shabu
ARESTADO ang contractor sa anti-drug buy-bust ng Binangonan Municipal Drug Enforcement Team at nakumpiska mula sa suspek ang P170,000 na halaga ng shabu sa New Market Brgy. Tagpos, Binangonan, Rizal noong Lunes.
Naganap ang pag aresto sa suspek na si alyas Rolly dakong alas-3:30 ng hapon matapos kumagat sa pain ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Kabilang sa mga ebidensiya na nakuha sa kanya ang 26.44 na gramo ng shabu na may value na P179,792, 1 P500 bill na ginamit na buy-bust money, 1 P1000 bill na recovered money, 1 pouch at 1 motorsiklo.
Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit.
Nakapiit ang suspek sa Binangonan Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri ni P/Col. Felipe Maraggun, director ng Rizal Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon laban sa suspek.