Jen

Contract signing ni Jen nag-trending

January 22, 2025 Vinia Vivar 63 views

Nag-trending si Jennylyn Mercado sa X (formerly Twitter) habang nagaganap ang kanyang contract signing sa Kapuso network.

Yes, nananatiling loyal Kapuso ang aktres pagkatapos ng mahigit dalawang dekada.

Sey niya sa contract signing, “Wala naman akong ibang pupuntahan. ‘Yung destination ko, palaging clear. Palaging sa GMA. So I can say that I am home.”

Hindi rin napigilan ng aktres na maging emotional at inamin ang takot na baka hindi na siya i-renew ng network.

“Sa totoo lang, never naman po akong nakampante na ire-renew ako, ‘yung ganu’n. Kasi, sa totoo lang, ang dami nang mga bagong artista ngayon. Madaming magagaling na talents ngayon sa industry dahil nga nag-e-evolve tayo.

“But to be here means so much and wala po akong ibang nararamdaman kundi gratitude at pasasalamat po sa inyong lahat,” emosyonal niyang sabi.

“I’m just so grateful and I’m so happy na nakabalik na ako sa aking bahay after ng mahabang bakasyon,” she said.

Bago ang contract signing ay medyo natagalan ang pagre-renew ni Jen sa GMA. Dahil dito ay kung ano-anong ispekulasyon ang lumabas na kesyo aalis na ang aktres sa network at lilipat sa ABS-CBN.

Pero agad nilinaw ni Jen na hindi siya lilipat as long as gusto pa siya ng Kapuso network.

Present sa contract signing sina GMA Network President and Chief Executive Officer Gilberto Duavit Jr., GMA Network Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe Yalong, GMA Network Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable at Aguila Entertainment Chief Executive Officer Katrina Aguila.

Tuwang-tuwa naman ang fans ng aktres at talagang ipinakita nila ang kanilang happiness sa pamamagitan ng pagpapa-trend kay Jen sa X.

AUTHOR PROFILE