Default Thumbnail

Construction worker tiklo sa pangmomolestiya

February 2, 2023 Jonjon Reyes 296 views

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 24-anyos na construction worker matapos na maaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong pangmomolestiya umano sa Gagalangin, Tondo, Maynila.

Base sa ulat ni P/Major. Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD, pasado alas 7:33 ng gabi nitong Miyerkules (Pebrero 1), nang mamataan ang suspek sa Benita Street sakop ng Barangay 186 sa Tondo.

Dahil sa pinaiiral na “Oplan Galugad” sa direktiba ni MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, iniutos naman ni Purusima kay PSMS Alfredo Fabian lll, team leader, kasama ang ilan nitong tauhan para sa pagdakip sa suspek.

Matapos magpositibo na pakalat-kalat lamang ang suspek sa kanilang lugar, dito na inilatag ang operasyon at inihain sa kanya ang arrest warrant.

Ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Philipp Charles Santos ng Regional Trial Court Branch 45 ng City of Manila, dahil sa kasong “rape” sa ilalim ng Article 266-A par. 2 of the Revised Penal Code, na may petsang Nobyembre 28, 2022.

Kabilang din ang suspek sa talaan ng “most wanted person” sa district level, at may inirekomendang piyansang P120,000 ang korte sa kinahaharap na kaso nito.

AUTHOR PROFILE