DICT Source: DICT FB page

Connectivity sa liblib na lugar pinatitiyak ni PBBM

September 10, 2024 Chona Yu 86 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tiyaking maitatatag ang connectivity sa mga liblib na lugar sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa sectoral meeting sa National Digital Connectivity Plan (NDCP) 2024-2028 sa Malakanyang kung saan iprinisenta ng DICT ang connectivity proposals.

“Let us establish first the connectivity. That’s more important than anything else,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinauuna ni Pangulong Marcos ang paglalagay ng connectivity sa mga lugar kung saan makapagbibigay ang gobyerno ng libreng Wi-Fi.

Sa ganitong paraan sinabi ni Pangulong Marcos na matutulungan ang mga telecommunication companies na makahanap ng market.

“We will now provide that market by giving [access] to government facilities, barangay offices, LGUs, etcetera. And that will establish the market,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Once nasanay ang tao na mayroon ng ganyan, we can put them already. We can put the allowance for WiFi already in the budget. Kasi nandyan na. We can put it in the budget of the government agency. Maliit lang naman,” dagdag ng Pangulo.

Oras na maaprubahan ang pondo, magsisilbi ang NDCP na strategic blueprint ng bansa para magkaroon ng universal at makabuluhang digital connectivity.

AUTHOR PROFILE