Arjo

Congressman Arjo Atayde inilunsad ang Brigada Eskwela 2022

August 14, 2022 People's Tonight 325 views

PARA sa darating na schoolyear 2022-2023, inilunsad ng Quezon City District 1 (QCD1) Congressman na si Arjo ang Brigada Eskwela 2022 – na isang taunang outreach program nakanyang sinumulan nuong 2021 upang tulungan ang 35 na mga pampublikong paaralan ng distrito.

SA Brigada Eskwela 2021, nagbigay si Atayde ng mga school supplies, office equipment, at pandemic safety essentials gaya ng mga alcohol at mga face mask.

Ngayong taon, maliban sa mga school supplies na kanyang pinamigay sa pakikipagtulungan sa J&T Express, nagbigay din si Atayde sa bawat paaralan ng Php10,000.00 na financial assistance.

“Isa ang Education sa mga major thrusts ng aking paltaporma nuong ako’y nangangapanya at isa ito sa mga programa na sininulan ko nuong 2021 na aking ipagpapatuloy,” sabi ni Atayde.

“Maliban sa mga school supplies, maaari ding gamitin ng mga paaralan ang tulong pinansyal para maidagdag nila sa kanilang mga gastusin sa darating na schoolyear.”

Nagpunta ang Brigada Eskwela 2022 ni Atayde sa Toro Hills Elementary School para sa areas 1, 2, at 3 at sa E Rodriguez Jr. High School para sa areas 4, 5, at 6.

AUTHOR PROFILE