Congrats DSWD Sec. Erwin Tulfo and Usec. Jerico Javier

June 4, 2022 Marlon Purification 358 views

Marlon PurificationISA tayo sa natuwa nang malamang itinalaga na ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang idol nating broadcast journalist/philanthropist na si Erwin Tulfo (ET).

Lalo tayong nagalak nang mismong si ET pa ang nag-announce na kinuha niya bilang Undersecretary for Operations ang isa pang veteran journalist na si Jerico Javier at Sally Navarro, dating taga-ABS-CBN at TV5.

Sa mga bumabatikos na walang kakayahan sina ET na pamunuan ang DSWD, sorry kayo!

Hindi n’yo lang alam na noon pa man, bukod sa pagiging mamamahayag ay likas nang tumutulong sa ating mga kababayan si ET.

May sarili itong ‘helpline’ na kung tawagin ay Erwin Tulfo Action Center na hindi na rin mabilang ang mga taong kanilang natulungan.

Kahit noong kasagsagan ng pandemic, tahimik na kumikilos at tumutulong si ET.

Katunayan, mismong si National Press Club (NPC) President Paul Gutierrez pa ang nagsabi na sa kasagsagan ng pandemya, kaagad nagpadala ng 100 kaban ng bigas si ET sa NPC.

Para raw ito sa mga kasamahan naming mamamahayag.

Alam ko na hindi lamang dito sa Metro Manila ang ginagawang pagtulong ni ET kundi pati na rin sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Ang nakatutuwa at nakahahanga, hindi po pulitikong tao si ET.

Ang ginagawa niyang pagtulong sa kapwa ay kaligayahan na niya, gayundin ng mahal niyang pamilya.

Maraming sikat na mamamahayag ang hindi nagagawa ang ginagawang pagtulong ni ET.

Bukal sa loob niyang ginagawa ito para sa mga nangangailangan nating kababayan.

Bilang kasamahang kolumnista rito sa Journal Group of Publications, proud na proud akong sabihin na kasamahan ko iyan sa diyaryo.

Dahil bilang sikat na mamamahayag, magagamit ni ET ang kanyang popularidad at karisma para mapasunod niya ang ating mga mahihirap na kababayan.

Sa pamamahagi kasi ng ayuda, hindi lamang tamang ‘distribution’ ang kailangan dito, kundi paano mapasunod ang mga kababayan nating mahihirap sa pagpila, sa pagsulat sa mga form at kung anu-ano pa.

Sa karanasan nina ET, gayundin ng utol nating si incoming Usec. Jerico Javier, naniniwala akong magagampanan nila ng tama ang nakaatang na bago nilang trabaho.

At bago tayo magtapos, hayaan n’yo po akong batiin nang malugod ang mga idol nating sina Secretary ET at Usec.Jerico.

Good luck sa inyo mga boss at nasisiguro kong isang malaking asset kayo sa papasok na Marcos administration.

Godspeed, mga Kuya!!!