Yap

Cong. Yap: ‘No bakuna, no labas’ policy ipatupad

January 12, 2022 People's Tonight 49 views

PINAALALAHANAN ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang mga otoridad na ipatupad ng maayos ang “no bakuna, no labas” policy ng gobyerno matapos makatanggap ng ilang reklamo na kahit ang mga taong bibili ng pagkain o gamot ay hindi na rin pinapayagang lumabas.

Ani Cong. Yap, “yung mga walang bakuna pero kailangan bumili ng pagkain o gamot ay pwede lumabas ayon na rin sa naunang utos ng pangulo”.

“Kasi kung hindi talaga sila papalabasin, saan sila kukuha ng makakain o gamot kung may sakit ang isa sa kasama nila sa bahay,” tanong ni Yap.

Nakarating kasi ang ilang sumbong sa ACT-CIS na hinaharang daw ng mga pulis o tanod ang mga hindi bakunado para bumili ng pagkain o gamot at pinapauwi sa bahay.

“Kailangan naman ng konting konsiderasyon for humanitarian reason,” dagdag pa ni Yap.

Nanawagan din ito kay DILG Sec. Eduardo Año na linawin muli ang utos ng pangulo sa mga otoridad na nagbabantay sa lansangan tulad ng mga pulis at barangay officials.

AUTHOR PROFILE